Ang lahat ng mga Muslim ay umaasa na gugulin ang kanilang mga walang hanggang buhay sa Paraiso [Jannah], ngunit marami ang hindi aabot. Ang mga di-mananampalataya at mga mapaggawa ng masama ay haharapin ang ibang hantungan: Impiyernong Apoy [jahannam]. Ang Qur’an ay naglalaman ng maraming mga babala at paglalarawan ng kalupitan ng walang hanggang parusang ito.
Naglalagablab na Apoy
Ang hindi nagbabagong paglalarawan ng Impiyerno sa Qur’an ay isang naglalagablab na apoy na ang panggatong ay “mga tao at mga bato.” Kung kaya ito ay kadalasang tinatawag na “impiyerong apoy”.
“…katakutan ninyo ang Apoy na ang panggatong nito ay mga tao at mga bato―inihanda ito para sa mga tumatangging sumampalataya.” [Maluwalhating Qur’an 2:24]
“…At sapat na ang Impiyerno bilang panunog. Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga Kapahayagan Namin ay ipapasok Namin sila sa Apoy. Sa tuwing nasunog na ang mga balat nila, papalitan Namin sila ng bagong balat, upang malasap nila ang pagdurusa.Tunay na si Allah ay laging Makapangyarihan, Marunong.” [Maluwalhating Qur’an 4:55-56]
“At tungkol naman sa sinumang gumaan ang mga timbangan niya [ng kabutihan], ang kanlungan niya ay ang kailaliman ng Impiyerno. Ano nga ba ang makapagpapabatid sa iyo kung ano ito? Isang naglalagablab na Apoy na napakainit.” [Maluwalhating Qur’an 101:8-11]
Isinumpa ni Allah
Ang pinakamasamang parusa para sa mga di-sumampalataya at mga gumagawa ng masama ay ang magising sa katotohanang sila ay nagkamali. Hindi sila nagbigay pansin sa gabay at mga babala ni Allah, at kung kaya kanilang inani ang Kanyang poot. Ang katagang Arabe na jahannam ay nangangahulugan ng “isang madilim na bagyo” o “isang matinding pahayag”. Kapwa binigyang halimbawa ng kalubhaan ng parusa. Ang Qur’an ay nagsalaysay:
Ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tumatangging sumampalataya, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa ni Allah, ng mga anghel at ng mga tao sa kalahatan. Mananatili sila roon [sa Impiyerno]. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa at hindi na sila palulugitan. [Maluwalhating Qur’an 2:161-162]
Ang mga iyon ang mga isinumpa ni Allah. At ang sinumang isinumpa ni Allah ay hindi ka makasusumpong para sa kanya ng tagatulong. [Maluwalhating Qur’an 4:52]
Kumukulong Tubig
Pangkaraniwan na, ang tubig ay nagdadala ng ginhawa at umaapula ng apoy. Ang tubig sa Impiyerno, bagaman ay kakaiba.
“…Silang mga di-sumampalataya sa kanilang Panginoon, para sa kanila ay tinabas na damit na Apoy. Ibubuhos sa kanilang mga ulo ang kumukulong tubig. Na sa pamamagitan nito na tutunaw sa loob ng kanilang mga tiyan at mga balat. At papaluin sila ng mga masong bakal. Sa tuwing nanaisin nilang tumakas dito [Apoy], mula sa pagdurusa, silay ay ibabalik dito, at [sasabihin sa kanila], “Lasapin ang Parusa ng Pagsusunog!” [Maluwalhating Qur’an 22:19-22]
“Sa harapan niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na naknak [ng sugat].” [Maluwalhating Qur’an 14:16]
“Magpapabalik-balik sila sa pagitan nito [ng Impiyernong] at ng napakainit na tubig na kumukulo!” [Maluwalhating Qur’an 55:44]
Puno ng Zaqqum
Samantalang ang mga gantimpala ng Paraiso ay kabilang ang napakarami, sariwang mga prutas at gatas, ang mga naninirahan sa Impiyerno ay kakain mula sa Puno ng Zaqqum. Ang Qur’an ay inilarawan ito:
“Ito bang [Paraiso] ang mainam na libangan o ang Puno ng Zaqqum? Tunay na ginawa namin itong pagsubok sa mga makasalanan. Katiyakan ito ay isang puno na sumibol mula sa kailaliman ng Impiyerno. Ang buko ng bunga nito ay kagaya ng mga ulo ng demonyo. Katiyakan sila ay kakain dito at pupunuin ang kanilang mga sikmura nito. Pagkatapos katiyakan sila ay bibigyan ng inumin na gawa sa pinaghalong kumukulong tubig. At katiyakan ang kanilang pagbabalik ay sa Naglalagablab na Apoy.” [Maluwalhating Qur’an 37:62-68]
“Tunay na ang puno ng Zaqqūm, ay pagkain ng makasalanan. Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan, gaya ng pagkulo ng mainit na tubig. [Maluwalhating Qur’an 44:43-46]
Walang Pangalawang Pagkakataon
Kapag silay ay kinaladkad patungo sa Impiyernong Apoy, maraming tao ay biglang magsisisi sa mga pagpili nilang ginawa sa kanilang buhay at magmamakaawa para isa pang pagkakataon. Ang Qur’an ay nagbabala sa ganyang mga tao:
“Sasabihin ng mga sumunod: ‘Kung mayroon sana kaming pagkakataong makabalik sa mundo ay itatakwil namin sila gaya ng pagtakwil nila sa amin sa Kabilang-buhay.’ Gayon ipakikita sa kanila ni Allah ang mga gawa nila bilang mga pagsisisihan nila. Sila ay hindi mga makalalabas sa Apoy.” [Maluwalhating Qur’an 2:167]
“Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kung napasakanila man ang lahat ng anumang nasa lupa at ang kagaya nito ay isinama dito upang tubusin sila sa pamamagitan niyon mula sa pagdurusa sa Araw ng Paghuhukom ay hindi iyon matatanggap mula sa kanila. Hahangarin nila na makalabas mula sa Apoy ngunit sila ay hindi mga makalalabas mula roon at magkakaroon sila ng isang napakasakit na parusa. [Maluwalhating Qur’an 5:36-37]