Ipagpalagay na walang karunungan sa likod ng santinakpan, walang malikhaing isip.
Magkagayun, walang nagpanukala ng aking utak para sa layuning mag-isip. Ito ay para lamang nang ang mga atomo sa aking bungo ay nangyari, sa pisikal o kemikal na mga dahilan, na ang mga ito ay kusang nagsa-ayos sa isang tiyak na paraan, ito ay nagbigay sa akin, bilang isang bunga, ng pakiramdam na tinatawag kong isip.
Subalit, kung gayun, paano ko pagtitiwalaan ang sarili kong isipan na ito ay tama? Ang katulad nito ay parang nagtaob ng sisidlan ng gatas at umaasang ang tilamsik nito ay bibigyan ka ng isang mapa ng London.
Subalit kung hindi ko mapagkakatiwalaan ang sarili kong pag-iisip, siyempre hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga argumento na patungo sa Ateismo, at magkagayun ay walang dahilan para maging Ateista, o anupaman. Maliban na maniwala ako sa Diyos, ay hindi ko mapapaniwalaan ang isip: magkagayun hindi ko kailanman magagamit ang isipan para hindi maniwala sa Diyos.
C.S. Lewis