Home Pangunahin Pakikibaka Ang ISIS ay Hindi Kumakatawan sa mga Kaugaliang Islamiko

Ang ISIS ay Hindi Kumakatawan sa mga Kaugaliang Islamiko

Ang ISIS ay Hindi Kumakatawan sa mga Kaugaliang Islamiko

Ang ISIS ay Hindi Islamiko

Simula nang ang grupo na kilala bilang ISIS o ‘Islamic State’ [IS] ay naipahayag ang muling pagtatayo ng Kalipa noong ika-29 ng Hunyo 2014, ang mga mamahayag ng mundo ay nag-ulat ng maraming mga pang-aabuso ang nagawa na ng grupo. Kaya naman, naramdaman kong kinakailangan na maturuan ang parehong Muslim at di-Muslim sa tunay na Islamikong mga kaugalian, para mailayo ang publiko mula sa pag-uugnay ng Islam at sa mga gawaing pagmamalabis. Karagdagan pa, napakahalagang ang mga Muslim na karapat-dapat sa mga bagay na may kinalaman sa batas Islamiko at kasaysayang Islamikong ituon ang kanilang mga pagsisikap para turuan ang mga tao ng lahat ng pananampalataya at maging walang pananampalataya sa kung ano ang tunay na kaugaliang Islamiko.

Pagsasabuhay ng mga Kaugaliang Islamiko

Ang mga kaugaliang Islamiko ay pangunahing nakabatay sa katarungan at awa. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng taos na paniniwala sa pag-iral ng isang Diyos at sa pamamagitan ng pagsisikap na kumilos sa paraang nakalulugod sa Kanya. Sa pamamagitan ng pabubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba at pangangamba sa kanyang pananagutan, ang isang Muslim ay hinihikayat na kumilos ng makatarungan at mahabagin. Ang Qur’an ay malinaw na nagpahayag sa bagay na ito:

“O kayong mga sumampalataya, maging matatag na tagapagtaguyod ni Allah, mga saksi sa katarungan. Huwag hayaan mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo maging makatarungan. Maging makatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag sa pagkamatuwid. Mangilag kayong magkasala kay Allah; tunay na si Allah ang Nakababatid sa lahat ng anumang ginagawa ninyo.” [Maluwalhating Qur’an 5:8]

“O mga sumampalataya, maging tagapagtaguyod ng katarungan, mga saksi para kay Allah kahit pa man laban sa inyong mga sarili o sa mga magulang o sa mga napakalapit na kaanak. Kung maging mayaman man o mahirap, si Allah ay higit na tagapagtangkilik sa kanilang dalawa. Kaya huwag ninyong sundin ang nasa nang hindi kayo lumihis sa katarungan. Kung babaluktutin ninyo ang pagsaksi o lalayuan ninyo ay tunay na si Allah, sa anumang ginagawa ninyo, ay laging Nakababatid.” [Maluwahating Qur’an 4:135]

Ang pagpatay ng maramihan, paglipol ng lahi, sektaryanismo, kawalang ng pagpaparaya, pagpatay ng mga mamamahayag, pagdukot at iba pang kasamaan ay ang napakasalungat sa mapagkalinga at mahabaging gawi na siyang sagisag ng tunay na Islamikong pamayanan. Gaya ng ipinahayag ng Qur’an:

“Ano ang makapagpapabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan? Ito ay ang pagpapalaya ng alipin, o pagpapakain sa araw na taggutom; sa isang malapit na kaanak, o sa isang dukhang naghihikahos, at maging kabilang sa mga mananampalataya at nagpapayuhan ng pagtitiis at pagkaawa.” [Maluwalhating Qur’an 90:12-17]

Sa artikulong ito ay gagamit ako ng mga halimbawa sa Islamikong kasaysayan para ipakita ang pagsasabuhay ng mga kaugaliang ito. Gayunpaman, dapat na tandaang hindi ito pagtatangkang papurihan ang Islamikong kasaysayan. Bagama’t marami ditong matututunan at maipagmamalaki, nagkaroon ng maraming mga pagkakataong ang Islamikong kaugalian ay ipinagwalang-bahala at inabuso.

Mga Minorya sa ilalim ng mga Islamikong Kaugalian

Sa nakaraan, kapag ang mga kaugaliang ito ay isinabuhay at ugaliin, ang mga Muslim na may pampulitikang kapangyarihan ay lumilikha ng pamayanang hindi mapapantayan sa kasaysayan. Isaalang-alang ang pakikitungo sa mga minorya gaya ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Ang Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] sa kasunduan ng Madina ay nagsabi:

“Ito ay tungkulin para sa lahat ng mga Muslim na tumulong at makisimpatya sa pakikitungo sa mga Hudyo na nakipagkasundo sa atin. Walang anumang uri ng pang-aapi ang maaaring gawin sa kanila o pagtulong sa kanilang kaaway laban sa kanila.”

“Ang tanyag na mananalaysay na si Karen Armstrong ay binigyang punto kung paano napagtibay ng ganitong mga kaugalian na wala pang nakagawa nang namumuhay na magkakasama:

“Ang mga Muslim ay naitinatag ang sistemang ang mga Hudyo, Kristiyano at mga Muslim ay mamuhay sa Jerusalem ng sama-sama sa unang pagkakataon.”

Ang Hudyong akademikong Mananalaysay na si Amnon Cohen ay nagsalarawan ng payak na pagsasabuhay ng kaugaliang Islamiko, at kung paano ang mga Hudyo sa Imperyong Ottoman sa Jerusalem ay malaya at nakapag-ambag sa pamayanan:

“Walang isamang nanghimasok sa kanilang panloob na samahan o sa kanilang panlabas na kultura at mga gawaing pang-ekonomiya… Ang mga Hudyo ng Ottoman sa Jerusalem ay tinamasa ang kasarinlang pangrelihiyon at kasarinlan sa pamamahala sa loob ng Islamikong estado, at bilang isang kapaki-pakinabang, aktibong bahagi ng lokal na ekonomiya at pamayanang nais nila – at katotohanang nagawa nila – nakapag-ambag sa pagpapatakbo.”

Si Umar ibn al-Khattab, ang kasamahan ng Propeta Muhammad ﷺ at ang pangalawang Kalipa ng Islam, ay pinagkalooban ang mga Krisitiyano ng Palestina ng pangrelihiyong kalayaan, kaligtasan at kapayapaan. Ang kanyang kasunduan sa mga Palestinong Kristiyano ay nagsasaad ng:

“Ito ang kaligtasan na ang lingkod ng Diyos… ay ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Palestina. Samakatuwid, kaligtasan para sa kanilang mga buhay, ari-arian, simbahan, krus, para sa malulusog at maysakit at para sa lahat ng katulad nilang mga relihiyon. Sa ganitong paraan na ang kanilang mga simbahan ay hindi dapat gawing tirahan, o buwagin man, o anumang pinsala na gagawin sa kanila o sa kanilang taguan, o sa kanilang krus, o anumang babawasin sa kanilang mga kayamanan. Walang pagbabawal na gagawin kaugnay sa kanilang mga pangrelihiyong seremonya.”

Noong 869 CE, ang patriyarkang si Theodoseus ng Jerusalem ay pinagtibay ang pagtupad ng mga Muslim sa kasunduan ni Umar:

“Ang Sarasen [mga Muslim] ay nagpakita sa amin ng napakagandang pakikitungo. Pinayagan nila kaming magtayo ng mga simbahan at isagawa ang sarili naming mga kaugalian ng walang balakid.”

Ang mga makasaysayang salaysay na ito ay hindi nagkakataon lamang bagkus bahagi sa walang hanggang Islamikong mga kaugalian ng pagpaparaya at awa.

Sapilitang paglipat

Ang sapilitang paglipat ay hayagang ipinagbabawal sa Islam at ang mga Muslim ay hindi pinapayagan, sa kahit anong pagkakataon, na piliting lumipat ang sinuman. Ito ay dahil sa mga sumusunod na talata ng Qur’an:

“Walang sapilitan sa relihiyon: Tunay na ang wasto ay maliwanag sa kamalian…” [Maluwalthating Qur’an 2:256]

Si Michael Bonner, isang awtoridad sa kasaysayan ng sinaunang Islam, ay nagpaliwanag sa pagsasabuhay ng talata sa itaas:

“Bilang pagsimula, walang sapilitang paglipat, walang pagpili sa pagitan ng “Islam at Espada”. Ang batas Islamiko, ay sinusunod ang maliwanag na prinsipyo sa Qur’an [2:256], ipinagbabawal ang anumang ganung mga bagay: dhimmis [di-Muslim sa ilalim ng pamamahalang Islamiko] ay dapat na pahintulutang isabuhay ang kanilang relihiyon.”

Isa sa mga nangungunang mananalaysay ng Islam, si De Lacy O’ Leary, ay isiniwalat ang mga kathang-isip na inuugnay sa Islamikong mga aral:

“Ang kasaysayan ay ginawa itong maliwanag, gayunpaman, ang alamat ng panatikong mga Muslim na kumalat sa buong mundo na ipinipilit ang Islam sa dulo ng espada sa mga nasakop na lahi ay isa sa mga kakatwang mga kathang-isip na inulit-ulit ng mga mananalaysay.”

Buwis sa di-Muslim: Jizya

Ang maykapangyarihang pamamahalang Islamiko, na batay sa ibat-ibang kapahayagang pag-uutos, ay nagpapataw sa mga di-Muslim ng isang uri ng buwis ng mamamayan. Ang buwis na ito – kilala bilang jizya – ay hindi isang pahirap, at ito kadalasan ay higit na maliit sa buwis na binabayaran ng mga Muslim. Ang buwis ay tungkulin ng lahat na may sapat na gulang na kalalakihan, gayunpaman, ang mga kababaihan, mga bata, ang mga maysakit at mahihirap ay hindi saklaw. Ito ay binabayaran sa katapusan ng bawat taon at ang mga mayayamang di-Muslim ay nararapat na magbigay ng 48 dirham [katumbas ng halos 500 pounds kada taon], at ang nasa katamtamang mayayaman na di-Muslim ay magbabayad ng higit na mababa. Kung mayroong hindi makakaya na magbayad ng buwis na ito, ay hindi na nila Sa aktwal na katotohanan, ito ay tungkulin ng mga maykapangyarihan na tiyaking ang mga di-Muslim na mamamayan ay may sapat na kakayahang pakainin ang kanilang mga pamilya at panatilihin ang disenteng pamumuhay. Halimbawa, si Umar ibn Abdul Aziz, isa sa mga Kalipa ng Islam, ay sumulat sa kanyang kinatawan sa Iraq:

“Hanapin ang mga tao na nasa kasunduan sa iyong lugar na maaaring matatanda na, at wala nang kakayahang kumita, at bigyan sila ng palagiang sustento mula sa kabang-yaman para pangalagaan ang kanilang mga pangangailangan.”

Ang isang payak na pagsasabuhay ng buwis sa di-Muslim ay matatagpuan sa mga sumusunod na liham na isinulat ng isang Rabbi noong 1453. Siya ay naghihimok sa kanyang mga kapwa relihiyoso na maglakbay sa mga lupain ng mga Muslim pagkatapos nang paniniil ng Europa sa mga Hudyo, at para sila ay bigyang kalayaan sa pang-ekonomiya:

“Dito sa lupain ng mga Turko ay wala kaming maidadaing. Kami ay nag-aari ng napakalaking kayamanan; maraming ginto at pilak ang nasa aming mga kamay. Kami ay hindi pinahihirapan ng matinding buwis at ang aming mga pangangalakal ay malaya at walang balakid. Kayaman ang mga bunga ng lupa. Ang lahat ay mura at lahat kami ay namumuhay sa kapayapaan at kalayaan…”

Kaligtasan at Pangangalaga

Ang Propeta Muhammad ﷺ sa mapapanaligang mga salaysay na iniugnay sa kanya ay nagsabi:

“Siyang naminsala ng isang tao na nasa ilalim ng kasunduan, o patawan siya ng labis sa kanyang kakayahan, ay makikipagtalo ako laban sa kanya sa Araw ng Paghuhukom.”

“Siyang manakit ng isang dhimmi [di-Muslim sa ilalim ng pangangalaga ng Muslim] ay sinaktan ako.”

Nang ikalabintatlong siglong hukom, na si al-Qarafi ay malinaw na ipinaliwanag ang mga aral ng Propeta ﷺ sa itaas:

“Ang kasunduan ng pangangalaga ay nagpataw sa amin ng mga tukoy na tungkulin sa mga ahul-dhimmah [di-Muslim sa ilalim ng pangangalaga ng Muslim]. Sila ay mga kapitbahay namin, sa ilalim ng aming mga silungan at pangangalaga dahil sa pangako ni Allah, ng Kanyang Sugo ﷺ, at ng relihiyong Islam. Sinuman ang labagin ang tungkuling ito laban sa kahit sino sa kanila kahit na masakit na salita, sa paninira ng kanyang reputasyon, o pamiminsala sa kanya o kahit ang pagtulong dito, ay nilabag ang pangako ni Allah, ng Kanyang Sugo ﷺ, at ng relihiyong Islam.
Sa paglilinaw sa itaas, hindi na nakapagtatakang ang Qur’an ay isinalarawan ang Propeta ﷺ bilang “awa para sa sandaigdigan”, at ang awa ng Diyos ay “sumasaklaw sa lahat ng mga bagay”.

Kapag ang kaugaliang ito ay naisabuhay sa kasaysayan, ang mga minorya ay mapangangalagaan, mararanasan ang kapayapaan at pupurihin ang mga Muslim na namumuno. Halimbawa, si Bernard “the Wise”, isang manlalakbay na monghe, ay dinalaw ang Ehipto, Palestina sa panahon ng pamumuno ni al-Mu’tazz [866-9 CE], at nagsabi ng mga sumusunod:

“…ang mga Kristiyano at mga Pagano [hal. mga Muslim] ay may ganitong kapayapaan sa pagitan nila na kung ako ay maglalakbay, at habang nasa daan ang aking kamelyo o asno na nagbubuhat ng aking mga dala-dalahan ay mamatay, at aking iiwan ang lahat ng aking mga dala-dalahan ng walang anumang bantay, at pumaroon sa lungsod para kumuha ng bagong kawan ng hayop na masasakyan, sa aking pagbabalik ay matatagpuan ko ang aking mga kagamitan na walang nakialam: ganun ang kapayapaan doon.”

Ang ganitong impluwensya at epekto ng kaugaliang Islamiko na wala pang naunang ganito ay ginawa ang mga taong piliin ang awa at pagpaparaya ng Islam. Si Reinhart Dozy, isang awtoridad sa sinaunang Islam sa Espanya, ay nagpaliwanag:

“…ang walang hangganang pagpaparaya ng mga Arabe ay dapat maisama sa pagsasaalang-alang. Sa mga bagay pangrelihiyon ay hindi sila namilit sa kaninuman… Si Propesor Thomas Arnold, ang Britong mananalaysay at oryentalista, ay nagbigay puna sa Islamikong pinagkukunan, nagpahayag na ang mga Kristiyano ay masaya at payapa sa Islam na umabot sa puntong kung saan ang mga ito ay ‘hinihingi nila ang mga biyaya sa pamamagitan ng ulo ng mga Muslim; na nagsasabing, “Nawa’y gawin ng Diyos na pamunuan ninyo kaming muli at gawing kayong matagumpay laban sa mga Romano”.

Ang Islam at pagtutulungan ng ibat-ibang lahi

Malayong panggalingan ng hidwaan ng lahi, ang Islam ay nag-alok ng mapapakinabangang halimbawa ng pagtutulungan ng ibat-ibang lahi na batay sa mga Islamikong aral. Ang Qur’an ay napakagandang nagpahayag:

“O mga tao, tunay na nilikha Namin kayo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilanlan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay ang pinakamatuwid sa inyo. Tunay na si Allah ay Maalam, Nakababatid.” [Maluwalhating Qur’an 49:13]

Ang Propeta Muhammad ﷺ ay ipinaliwanag na ang rasismo ay walang puwang sa Islam:

“Lahat ng sangkatauhan ay mula kay Adan at Eba, ang isang Arabe ay hindi nakahihigit sa di-Arabe o ang isang di-Arabe ay nakahihigit sa isang Arabe; ganundin ang isang maputi ay hindi nakahihigit sa isang maitim o ang isang maitim ay nakahihigit sa isang maputi maliban sa pagkamatuwid at mabuting gawa.”

Si Hamilton A. R. Gibb, ang mananalaysay na Oryentalismo, ay nagpahayag:

“Subalit ang Islam ay mayroon pang paglilingkod na maibibigay para sa kapakanan ng sangkatauhan. Ito ay tumatayo ng higit na malapit sa tunay na Silanganin kaysa ginawa ng Europa, at ito ay nag-aangkin ng napakahusay na tradisyon ng ugnayang-lipi ng pagkakaunawaan at pagtutulungan. Walang ibang lipunan ang mayroong ganyang naitalang tagumpay na pagkaisahin sa pagkakapantay ng katayuan, pagkakataon, at mga pagsisikap na napakarami at ibat-ibang lahi ng sangkatauhan… ang Islam ay mayroon pa ring lakas na pagkasunduin ang tila hindi mapagkakasundong mga elemento ng lahi at tradisyon. Kung sakaling ang oposisyon ng malalaking pamayanan ng Silangan o Kanluran ay palitan ng pagtutulungan, ang pamamagitan ng Islam ay isang napakahalagang kondisyon. Sa mga kamay nito nakasalalay ang katugunan sa suliraning kinakaharap ng Europa kaugnay sa relasyon nito sa Silanganin. Kung sila ay magkakaisa, ang pag-asa ng usaping kapayapaan ay uunlad na hindi masusukat. Subalit kung ang Europa, sa pamamagitan ng pagtanggi sa pakikipagtulungan ng Islam, ay ibinabato ito sa mga bisig ng mga karibal, ang usapin ay pareho lamang makakasira sa dalawa.”

Ang kagalang-galang na mananalaysay na si A.J. Toynbee ay pinagtibay din:

“Ang pagkawala ng kamalayan sa lahi sa pagitan ng mga Muslim ay isang napakalaking tagumpay ng Islam at sa kasalukuyang mundo ay mayroon, habang ito ay nangyayari, isang nananangis na pangangailangan para sa pagpapalaganap ng magandang katangian ng Islam na ito…”

Maaaring isa sa mga pinakamatinding mga buod ng kadakilaan ng Islamikong sibilisasyon ay nasa pananalita ng dating CEO ng Hewlett Packard, na si Carly Fiorina:

“Dati ay may isang sibilisasyon na pinakadakila sa mundo. Ito ay nagawang lumikha ng napakalakas na estadong kontinental na umaabot mula sa karagatan hanggang sa susunod na karagatan, at mula sa nagyeyelong hilaga hanggang sa mga tropiko at mga disyerto. Sa loob ng nasasakupan nito ay namumuhay ang daang milyong mga tao, nang ibat-ibang paniniwala at lahing pinagmulan. Ang isang wika nito ay naging pangkalahatang wika ng kalakhan ng mundo, tulay sa pagitan ng mga tao mula sa daan-daang lupain. Ang mga kawal nito ay binubuo ng mga tao sa maraming nasyonalidad, at ang pangangalangang sandatahan ay nagbigay ng antas ng kapayapaan at kasaganahang hindi pa kailanman nangyari sa kasaysayan. At ang sibilisasyong ito ay nagtulak ng higit pang bagay, sa pamamagitan ng paglikha. Ang arkitekturang disenyo ng gusaling sinalungat ang grabidad. Ang matematiko nito ay lumikha ng alhebra at algoritmo na nagbigay kakayahan sa paggawa ng mga kompyuter, at paglikha ng enkripsiyon. Ang mga manggagamot nito ay pinag-aralan ang katawan ng tao, at nakatuklasan ang mga bagong lunas para sa mga karamdaman. Ang mga astronomiko nito ay nagsaliksik sa mga kalangitan, pinangalanan ang mga buntala, binigyang-daan ang paglalakbay sa kalawakan at pagtuklas. Ang mga manunulat nito ay nakaakda ng libong mga kwento. Kwento ng katapangan, romansa at mahika. Habang ang ibang nasyon ay takot sa mga ideya, ang sibilisasyong ito ang naghugis sa kanila, at pinanatili silang buhay. Nang ang pagbabawal ay nagbadyang burahin ang kaalaman ng nakaraang mga sibilisasyon, ang sibilisasyong ito [Islam] ay pinanatiling buhay ang kaalaman, at ipinasa sa maraming iba pa. Habang ang makabagong Kanluraning sibilisasyon ay nagbabahagi ng maraming mga katangiang ito, ang sibilisasyong sinasabi ko ay mundo ng Islam mula sa taong 800 hanggang 1600, na kabilang ang Imperyong Ottoman at ang mga hukuman ng Baghdad, Damascus at Cairo, at mga ginabayang pinuno katulad ni Sulaiman “the Magnificent”. Bagama’t tayo ay madalas na walang malay sa pagkakautang sa kakaibang sibilisasyong ito, ang handog nito ay napakaraming bahagi ng ating pinagmulang lahi. Ang industriya ng teknolohiya ay hindi iiral kung wala ang ambag ng mga matematikong Arabe. Mga pinunong katulad ni Sulaiman ay nag-ambag sa ating pagkaunawa sa pagpaparaya at pamumunong sibiko. At marahil ay makakakuha tayo ng aral mula sa kanyang halimbawa: Ang pamumunong ito ay batay sa kakayahan, hindi sa pagkakamag-anakan. Ito ang pamumuno na nilinang ang buong kakayahan ng napakaraming ibat-ibang papulasyon na kasama ang Kristiyanidad, Islamiko, at tradisyong Hudyo. Ang ganitong napatnubayang pamumuno – pamumunong nagpayaman ng kultura, nagpapanatili sa sarili, pagkakaiba-iba at tapang – ay pumatnubay sa 800 na taon ng paglikha at kaunlaran.”

Konklusyon

Ang pinakasusing dahilan na ang Muslim ay nagawang makamit ang ganitong katarungan, pagpaparaya at maawaing mga pamayanan ay dahil sa pagpapatunay sa Kaisahan ng Diyos at bigyang lugod at sambahin Siya, ay ang batayang pang-espiritwal at moral ng kanilang mga buhay. Ito ay nagdulot ng walang hanggan, pandaigdigan at makabuluhang moral na tuntungan para maabot, ang sinabi ng ikalabinwalong siglong ekonomistang si Adam Smith,

“ang unang estadong kung saan sa ilalim nito ang mundo ay tinamasa ang antas ng katiwasayan yaon na ang paglinang ng mga agham ay kinailangan…”

Inaasahan na ang maiksing pananaw na ito sa kaugaliang nagpalakas sa pamayanang Islamiko ay magpakita kung paano ang mga gawa ng ilang mga grupo ng Muslim ay hindi nakabatay sa pangkaraniwang Islam. Napakahalaga na kami ay umaasa na ang maiksing panimulang ito ay makatulong na pagyamanin ang higit pang balanseng pananaw sa kung ano ang Islamiko at kung ano ang hindi.

Ni Hamza Tzortzis

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…