Karapatang Pantao sa Islam
Sa kasamaang-palad, ang mga masasamang palagay at walang katarungan ay laganap sa kasaysayan ng sangkatauhan ay patuloy na umiiral, na siyang dahilan sa hindi masukat na pagdurusa ng sangkatauhan. Dito sa kontekstong ito ang paksa ng karapatang pantao ay sadyang angkop.
Ano ang kumakatawan sa mga karapatang pantao? Maaari ba tayong dumating sa isang magkatulad na pag-unawa sa mga kalayaang ito at sa pamamagitan nito ay matiyak na ito ay pandaigdigang ipagkaloob sa bawat kasapi ng pamayananan? Ang mga katanungang ito ay naging paksa ng makasaysayang mga dokumento katulad ng ‘Magna Carta’, ang ‘French Declaration of the Rights of Man’, ang ‘American Bill of Rights’ at ang ‘Geneva Convention’.
Gayunpaman, ang mga katanungan bang ito ay naipahayag din ng ibat-ibang trandisyong pangrelihiyon. Ang Islamikong huwaran ng karapatang pantao sa partikular ay kapansin-pansin sa kanyang kahigpitan, ang pananaw nito at ang kaugnayan nito sa makabagong panahon.
Ang ambag ng Islam sa karapatang pantao ay higit na mapapahalagahan kapag titingnan itong salungat sa kaganapan ng kasaysayan ng mundo gayundin ang mga katotohanan sa makabagong panahon. Ang panlipunan, panlipi, pangkasarian, at pangrelihiyong pagkiling ay patuloy na umiiral. Ang pang-ekonomiya at panlipunang pagkakaiba ay nagdulot ng paniniil sa mga mababang uri; ang mga panliping pagkiling ay naging dahilan ng pang-aapi at pang-aalipin sa mga taong may maiitim na balat; ang kababaihan ay minaliit ng maka-lipunang mga pag-uugali, at talamak na ugaling relihiyosong pagmamataas na nag-akay sa malawakang paniniil sa mga taong may magkakaibang panamnampalataya.
Kapag isasaalang-alang ang katanungang karapatang pantao at Islam, ay mahalagang matukoy ang banal na utos na karapatan ng Islam mula sa posibleng maling pagkaunawa at maling paggamit ng sangkatauhang likas na nagkakamali. Katulad rin ng Kanluraning pamayanang patuloy pa ring nilalabanan ang pag-aaglahi at diskriminasyon, maraming pamayanang Muslim ay nakikibaka para lubusang maipatupad ang mga karapatang itinakda ng Islam.
Karapatang Pantao sa Islam ay isang Banal na Utos
Ang kapuna-punang katangian ng mga karapatan ng tao sa Islam ay sila ang likas na bunga ng higit na malawak na pagsasabuhay ng pananampalataya, mga gawa at gawing panlipunan na ang paniniwala ng mga Muslim ay banal na pag-uutos. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagsabi:
“Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na itaguyod ang katarungan, ang paggawa ng kabutihan at ang pagbibigay sa kamag-anak at ipinagbabawal Niya ang kahalayan, kasamaan at pang-aapi. Tinuturuan Niya kayo, nang sa gayon ay makaalala.” [Maluwalhating Qur’an 16:90]
Dangal at Pagkakapantay
Ang Karapatang Pantao sa Islam ay nagsanga mula sa dalawang pundasyon ng prinsipyo: dangal at pagkakapantay. Ang dangal ay pangunahing karapatan ng bawat tao sa pamamagitan pa lamang ng kanyang pagiging tao. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagsabi:
“Binigyang dangal Namin ang mga anak ni Adan at dinala sila sa kalupaan at karagatan; pinagkalooban sila ng mabuting biyaya at kinatigan Namin silang higit sa iba pang maraming nilikha Namin.” [Maluwalhating Qur’an 17:70]
Patungkol sa pagkakapantay, ang Qur’an ay maliwanag na nagpahayag:
“O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay ang pinakamatuwid sa inyo. Tunay na si Allah ay Maalam, ang Nakababatid. [Maluwalhating Qur’an 49:13]
Samakatuwid, ang pagkakaiba ng isang tao mula sa iba, sa paningin ni Allah, ay ang kanyang pagkamatuwid at takot sa Kanya.
Ang pagkakaiba-iba ng sangkatauhan sa maraming lipi at etniko ay isang patunay sa kamaharlikaan at talino ng Diyos. Samakatuwid, ang panlahing kahigitan at diskriminasyon ay ipinagbawal sa Islam at sumasalungat sa pinakadiwa nito. Ang konseptong ito ay ipinaliwanag ng malawak sa mga sumusunod na propetikong tradisyon.
“Walang Arabe na nakakahigit sa di-Arabe, gayundin walang di-Arabe ang nakakahigit sa Arabe. Maging ang maputing tao ay hindi nakakahigit sa maitim na tao o ang maitim na tao ay nakakahigit sa maputing tao. Kayong lahat ay mga inapo ni Adan at si Adan ay nilikha mula sa putik.”
Pagkakapantay ng Kababaihan
Bilang nilikha ng Diyos, ang kababaihan ay may parehong karapatang pang-espiritwal katulad ng kalalakihan; siya ay ginagantimpalaan sa kanyang pagdarasal at mga gawaing pagkawanggawa, ngunit siya rin ay mananagot sa kanyang mga gawa, mabuti man o masama, sa buhay na ito. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagsabi:
“Ang mga gumawa ng mga matuwid, maging lalaki man o babae habang siya ay sumasampalataya, ang mga iyon ay magsisipasok sa Paraiso at hindi sila gagawan ng paglabag sa katarungan ni katiting man.” [Maluwalhating Qur’an 4:124]
Pareho ang kalalakihan at kababaihan ay may mga tungkulin sa kanilang mga pamilya at mga lipunan na ito ay nilinaw sa mga sumusunod na talata:
“Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaeng mananampalataya ay mga tagatangkilik ng isat-isa sa kanila. Nag-uutos ng nakakabuti at nagsasaway ng nakakasama, pinangangalagaan nila ang Pagdarasal, ibinibigay nila ang zakah, at tumatalima sila kay Allah at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay kaaawaan ni Allah. Tunay na si Allah ay Makapangyarihan, ang Marunong.” [Maluwalhating Qur’an 9:71]
Sa ilalim ng mga batas ng Islam, ang kababaihan ay may karapatang mag-ari ng sariling ari-arian at mga negosyo, makipagkalakalan, bomoto, tumanggap ng mana, makapag-aral at makilahok sa mga usaping ligal at pulitika. Ang katotohanan na ilang pamayanang Muslim ay hindi laging ipinagkakaloob sa kababaihan ang lahat ng mga kalayaang ito ay isang halimbawa kung paano ang mga tao ay nagkukulang na buong ipatupad ang Banal na Utos.
Karapatang Mabuhay at Kaligtasan
Ang pangunahing karapatan, na kailangang ipagkaloob sa bawat tao, ay ang karapatang mabuhay. Ang Maluwalhating Qur’an ay kinilala ang karapatang ito, na binanggit sa mga sumusunod na talata.
“At huwag kitilin ang buhay na ipinagbawal ni Allah na kitilin kundi ayon sa katuwiran…” [Maluwalhating Qur’an 17:33]
“…sinumang pumatay ng tao, na hindi bilang parusa sa pagpatay ng isang tao o para sa paggawa ng kaguluhan sa lupa ay para niyang pinatay ang lahat ng tao. At sinumang sumagip ng isang tao – ito ay para na ring sumagip sa lahat ng tao.” [Maluwalhating Qur’an 5:32]
Sa Islam, ang buhay ay sagrado habilin mula sa Diyos at ang pinakapangunahing karapatan ng tao. Walang isaman ang pinahintulutang kumuha ng buhay ng iba, malibang ito ay para sa katarungan na pinangasiwaan ng isang karapat-dapat na hukuman bilang pagsunod sa tamang pamamaraan ng batas.
Hindi lamang ang tao ay may karapatang hindi saktan, sila ay may karapatang ding pangalagaan na masaktan, pisikal o ibang paraan. Halimbawa, sa ilalim ng batas Islamiko, ang tao ay may pananagutang ligal sa hindi pagpigil sa isang bulag mula sa kamatayang bunga ng pagkahulog, kung sila ay may kakayahang sagipin siya.
Kahit sa panahon ng digmaan, ang Islam ay nag-uutos na maging makatarungan sa kaaway sa gitna ng labanan. Ang kawal na kaaway at bihag sa digmaan ay hindi maaaring pahirapan o lurayin sa ilalim ng anumang kalagayan. Ang Islam ay naglagay din ng maliwanag na guhit ng hangganan sa pagitan ng mga mandirigma at mga hindi mandirigma. Patungkol sa mga sibilyan, kahit kababaihan, mga bata, matatanda, may sakit, atbpa, ang mga tagubilin ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], ay ang mga sumusunod:
“Huwag patayin ang matatanda, mga bata o alinmang babae.”
“Huwag patayin ang mga monghe sa mga monasteryo.”
Sa panahon ng isang digmaan, ang Propeta ay nakita ang katawan ng isang babae na nakahandusay sa lupa at nagsabi: “Siya ay hindi nakikipaglaban. Bakit kailangan siyang patayin?”
Samakatuwid, ang mga sibilyan ay may karapatang mabuhay, kahit pa ang kanilang bansa ay nasa pakikidigma sa Islamikong bansa.
Doktrina ng Kalayaan
Salungat sa kilalang maling mga haka-haka, ang tunay na Islamikong republika ay tungkulin na hindi lamang pinahihintulutan bagkus igalang ang pagkakaiba-iba. Dahil dito, ang di-Muslim sa loob ng isang Islamikong nasasakupan ay pinahihintulutang sumamba ayon sa kanilang relihiyon.
Habang ang Espanya ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Muslim, ang lungsod ng Cordova ay itinuring na sentrong pangkaalaman ng Europa, na kung saan ang mga mag-aaral ay pumupunta para mag-aral ng pilosopiya, agham at medisina sa ilalim ng Muslim, Hudyo at Kristiyanong mga pantas.
Ang mariwasa at sopistikadong pamayanang ito ay pinayagan ang ibang mga relihiyon; habang ang pagpaparaya ay hindi pa kilala sa iba pang bahagi ng Europa… Sa Espanyang Muslim, libong mga Hudyo at mga Kristiyano ay namuhay sa kapayapaan at pakikiisa sa ilalim ng mga pinunong Muslim.” [Burke, 1985, p. 38]
Ang mga Muslim ay may pangkalahatang kaugalian at katangian na makatarungan sa bawat tao, kahit ano pa ang kanilang lipi, bansa o pinagmulang relihiyon; maging kaibigan o mga kaaway. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagsabi:
“O mga mananampalataya kayo ay maging tagapagtaguyod para kay Allah, maging saksi sa katarungan. Huwag mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo maging makatarungan. Maging makatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag sa pagkakasala. Mangilag kayong magkasala kay Allah; tunay na si Allah ay ang Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.” [Maluwalhating Qur’an 5:8]
Ang diwa ng katarungan na bumabalot sa Islam ay isa sa pinaka kahanga-hangang huwaran ng Islam, dahil katulad ng nabasa ko sa Qur’an, natagpuan kong ang dinamikong mga prinsipyo ng buhay, hindi alamat, bagkus pag-uugaling praktikal para sa pangaraw-araw na gawi ng buhay na angkop sa buong mundo.” [Panayam sa “The Ideals of Islam” Sarojini Naidu, Madras, 1918, p. 167]
Mga Karapatan at Tungkulin sa Isat-isa
Mula sa naunang panayam, ito ay malinaw na ang batas Islamiko ay banal na utos ng mga karapatan para sa bawat isa sa kanilang natatanging mga gampanin bilang asawa, magulang, anak, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan at maging kaaway.
Sa pagbabaha-bahagi nito ng mga karapatan at mga tungkulin, ang Islam ay tinalakay ang panlipunan, panlipi, pangkasarian at usaping pagpapangkat-pangkat na laganap sa ating pandaigdigang lipunan. Katotohanan, ang huwaran ng mga karapatan at mga tungkulin sa isat-isa ay binigyang halaga sa Islam na may napakalaking pag-asa para sa bawat isa at panlipunang pagbabago sa buong mundo.