Paano ako maniniwala sa Diyos kung wala akong katibayan, Paano ako makakasiguro na umiiral ang Diyos, mayroon bang katibayan na may Diyos?
Oo, si Allah ay nagpadala ng mga himala, kapahayagan at mga sugo para magbigay ng mga maliwanag na patunay na umiiral ang Diyos at higit na mahalaga, ay kung ano ang nararapat nating gawin sa oras na dumating tayo sa katotohanang ito.
Si Allah ay nagpadala ng mga propeta at mga sugo na maraming patunay sa buong panahon para sa mga tao upang makita ng maliwanag ng kanilang sariling mga mata at upang magamit ang kanilang sariling mga pakiramdam sa mga himala at mga patunay na nagtuturo sa katotohanan, si Allah sa katotohanan, ay umiiral.
Ang mga himala ng mga propeta at mga sugo ni Allah ay dumating sa mga tao sa lahat ng panahon. Si Moises (sumakanya ang kapayapaan) ay nagpakita ng maraming himala kay Paraon at sa mga angkan ni Israel. Salot, balang, tubig na naging dugo, ang kanyang tungkod na naging isang ahas, ang boses sa nagliliyab na palumpong at ang pagkahati ng Red Sea ay mga maliwanag na himala para sa mga tao sa panahon ni Moises.
Muli, si Allah ay ipinadala si Hesus, ang anak ni Maria (sumakanya ang kapayapaan) na may maliwanag na mga himala para sa mga tao sa kanyang panahon. Pagsasalita habang nasa duyan na bagong silang na sanggol pa lamang, lumikha ng ibon mula sa putik, pagpapagaling ng maysakit, pagpapadilat sa bulag at pagbuhay ng isang taong patay, lahat ay mga maliwanag na tanda sa mga tao para malaman na si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay isang sugo ni Allah na katulad ni Moises na nauna sa kanya.
Si Muhammad ﷺ ang pinakahuli at pangwakas na sugo ni Allah at siya ay ipinadala sa lahat ng sangkatauhan. Si Allah ay ipinadala siya na may mga himala, na ang pinakadakila ay ang Qur’an. Ang mga hula at propesiya ni Muhammad ﷺ ay nagkatotoo kahit pa sa panahong ito at ang Qur’an ay ginamit upang makumbinsi kahit pa ang mga siyentipiko na umiiral ang Diyos Allah.
Ang Qur’an ay ang pinakamainam sa mga katibayan para sa pag-iral ni Allah at ngayon ay mahigit sa isa’t kalahating bilyong mga tao ang nakasaulo at bumibigkas ng eksaktong mga teskto, sa parehong wika na ipinahayag ito; sa Arabik. Mahigit na 10 milyon Muslim ang ganap na nasaulo ang buong Qur’an mula sa simula hanggang sa katapuasan nito, at mabibigkas ito ng mula sa isipan na hindi titingin sa kopya nito.
Ang katibayan na umiiral ang Diyos sa ating araw-araw na pamumuhay
Walang sinumang nakakita o nakarinig kay Allah, kahit pa ang Propeta Muhammad ﷺ. Hindi rin natin magagamit kahit pa ang ating mga pandama para magkaroon ng anumang uri ng ugnayan sa Kanya. Ganunpaman, tayo ay hinihikayan sa Islam na gamitin ang ating mga pandama at sentido kumon para makilala ang buong santinakpan na hindi ito basta na lang iiral sa kanyang sarili. Ito ay lagpas na sa ating kakayahan na gawin, ganunpaman ito ay bagay na kaya nating mauunawaan.
Alam natin mula sa mga aral ni Muhammad ﷺ ang mga katibayan para sa pag-iral ng Diyos [Allah] na napakalantad sa ating pangaraw-araw na kapaligiran. Sinumang may pang-unawa ay madali niyang makikilala ang Kanyang pag-iral kung sila ay hindi matigas ang ulo na itinatanggi ang mga lantad na katibayan sa ating harapan.
Hindi natin kailangang makita ang isang pintor para makilala ang isang pinta, tama? Kung gayon, kapag nakakita tayo ng mga pinta na walang pintor na gumuhit nito, ganundin, maaari tayong maniwala kay Allah na lumikha sa lahat ng bagay na hindi na natin Siya kailangang makita (o mahawakan, o marinig, atbp.).