Ang Islam ay nagpahintulot sa lalaki na mag-asawa ng apat. Bakit hindi maaari sa babae na makapag-asawa ng apat?
Al Hamdulillah, was-Salatu was-Salam ala Rasulillah. Allahu ‘Alam. Si Allah ang nag-aangkin ng Lahat ng Kaalaman.
Mga Karapatan at mga Hangganan
Una sa lahat, mahalaga para sa ating panatilihin sa isipan na ang Islam ay dumating para pagtibayin ang dalawang napakahalagang saligan para sa sangkatauhan:
Ang bawat isa at ang lahat ng bagay ay may karampatang mga karapatang ibinigay para dito ang Tagapaglikha at Tagapagtustos ng sansinukob [Allah]. Kasabay nito, ang bawat nilikha ay may sariling hangganang itinatag si Allah.
Unang Karapatan – si Allah ay may karapatang sambahin ng walang pagbibigay katambal mula sa anumang Kanyang nilikha. Tuwirang pagsamba sa Kanya, lamang.
Pangalawang Karapatan – Karapatan ng mga Propeta na sundin ayon sa kanyang mga turo at mga kautusan.
Pangatlong Karapatan – Karapatan ng mga magulang na igalang at pangalagaan, na may pagtatanging ina ang uunahin.
Pang-apat na Karapatan – Ang mga mag-asawang lalaki at babae ay may mga karapatan sa isat-isa.
Mga Katayuan sa Nakalipas 1,400 Taon
Ngayon gawin natin ang ilang pangunahing pagsasaliksik dito. Simulan natin sa pagtingin sa katayuan ng mga kababaihan sa ibat-ibang lipunan sa panahong nakalipas na 1,400 taon nang ipahayag ni Allah ang Qur’an kay Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya].
Mga Arabong Pagano – Inililibing Ang Mga Batang Babae ng Buhay
Sa panahong yaon ang mga paganong Arabong lalaki ay nakasanayang ilibing ang kanilang mga bagong silang na anak na babae ng buhay sa buhangin, dahil sa kahihiyan sa pagkakaroon ng bagay na napakababa at nakasusuklam tulad ng anak na babae sa halip na anak na lalaki. Ang kababaihan ay pinakikitunguhan ng nakakapangilabot at hayagang pagkasuklam.
Ang kalalakihan ay makapag-aasawa ng kahit ilan na kanilang naisin at napakadalas ay inaari nila ang kababaihan na parang baka o tupa. Walang batas na nangangalaga sa kababaihan at sila ay walang karapatan kahit anupaman.
Mga Kristiyano – Pinagtatalunan Kung Ang Kababaihan Ba Ay Mayroong Kaluluwa
Ang mga Kristiyano sa panahong yaon ay nagkakaroon ng mga pagpupulong ang konseho para matukoy kung ang babae ay mayroon nga ba o walang kaluluwa. Ang simbahan ay sinumbatan “si Eba” ang ina ng sangkatauhan pagkatapos ni Adan [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] para sa “manang kasalanan” at isinumpa siya at kanyang supling dahil sa kanyang ginawa.
Mga Pari – Pinakamainam Na Kalalakihan – Ipinagbabawal Mag-asawa – Sa Kaninumang Kababaihan
Mga Pari, mga obispo, mga kardinal, at kahit pa ang Papa na pinakamainam sa mga Katolikong kalalakihan sa loob ng simbahan. Ganunpaman ang simbahan ay ipinagbabawal sa kanilang mga kaparian ang pagkakataon na makapag-asawa at makapagpamilya. Ang hindi pangkaraniwang kalagayang ito ay nagdulot ng napakatinding mga pangyayari sa lahat ng dako ng lipunan sa buong mundo.
Mga Madre – Pinakamainam Sa Kababaihan – Walang Pag-aasawa – Walang Anak
Ang mga madre ay pinakamainam sa Katolikong kababaihan. Tinatakpan nila ang kanilang mga sarili sa tamang pananamit na halos katulad ng kababaihang Muslim. Ganunpaman, sila ay hindi kailanman pinahihintulutang mag-asawa o magkaroon ng mga anak sa kanilang buong buhay. Ang hindi pangkaraniwang kalagayang ito ay nagdulot ng hindi mabilang na kahihiyan at kasuklam-suklam na mga gawi sa pinakaloob mismo ng simbahan.
Kung Masasamang Tao Lamang Ang Magkaka-anak – Paano Ang Kinabukasan?
Tayo ay dapat na magtanong, “Kung ang pinakamaiinam sa kalalakihan at pinakamaiinam sa kababaihan ay hindi pinahihintulutang mag-asawa o makaroon ng anak – ito ba ay nangangahulugan na tanging ang masasama sa mga tao ang siyang pinahihintulutang magparami at punuin ang mundo?” – At saan tayo dadalhin nito bukas?
Mga Hudyo – Sinumbatan Ang Kababaihan at Isinusumpa Ang Kababaihan
Ang mga Hudyo ay sinumbatan ang kababaihan para sa “manang kasalanan” at sa ganun sila pinakikitunguhan ng may pagkasuklam. Ang buwanang dalaw ng babae ay itinuturing ng Lumang Tipan sa Biblia na isang “sumpa mula sa Diyos” dahil sa kanyang pagkakasala. Ang kanyang paghihirap sa pagbubuntis ay isa ring ‘parusa mula sa Diyos’ dahil sa pagdadala niya sa lalaki pababa mula sa langit.
Islam – Walang Panunumbat Sa Kababaihan Para sa Kasamaan
Ang Islam ay hindi sinusumbatan si Eba sa kasalanan ni Adan. Bawat isa sa kanila ay tinanggap ang kanilang sariling pagkakamali at nagsisi kay Allah, at humingi ng patawad kay Allah at sila ay pinatawad ni Allah.
Ngayon bago magpatuloy pa, pakibasa ang Surah An Nisa [kabanata 4 ng Maluwalhating Qur’an] – simula hanggang dulo, para sa higit na pagkaunawa kung ano talaga ang sinasabi tungkol sa kababaihan, kalalakihan at pag-aasawa.
Basahin ang Qu’ran
Ngayon pag-isipan natin ang tungkol sa mga talata. Ikaw ba ay naniniwala na Alam ni Allah kung ano ang nilikha Niya at nagpahayag Siya ng perpektong ‘Deen’ [Panuntunan ng Buhay]? Alam mo ba ang kalagayan ng mga tao sa panahon na ang utos ay dumating para bigyan ng hangganan ang bilang ng mga asawa? [Hanggang apat lamang]
“Ngayon basahin ang talata tungkol sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa, nang napakaingat.” [Maluwalhating Qur’an 4:3]
Ano ang sinasabi dito? At ano ang naintindihan mo mula dito?
“Ngayon basahin ang ayah [talata] na nagbabawal sa kalalakihan na makipag-asawa sa kababaihang may asawa na.” [Maluwalhating Qur’an 4:24]
Ngayon basahin ang talata sa papel na ginagampanan ng mga kalalakihan at kababaihan:
“Ngayon basahin mula sa An Nisa [Kabanata 4] tungkol sa ginagampanan ng kalalakihan at kababaihan.” [Maluwalhating Qur’an 4:34]
Ang Lalaki Ay Tinutustusan At Pinangangalagaan Ang Kababaihan
Naiintindihan mo ba na ang isa ay dapat akuin na gampanan ang tagapagtaguyod, tagapangalaga, tagapagtustos at tagapaglingkod ng pamilya [papel ng lalaki]?
Ang Kababaihan Ay Nagsisilang – Nagpapalaki Ng Mga Anak
Ang isa ay dapat akuin na gampanan ang pagbubuntis sa sanggol at pagsilang nito at pagkatapos ay pagpapasuso nito at pagpapalaki nito para maging isang tunay na lingkod ni Allah [papel ng babae].
Hindi Pantay – Subalit Pinakikitunguhan ng Patas sa Katarungan
Ang kalalakihan at kababaihan ay hindi magkatulad o sila’y “pantay” na gusto ng ilang tao na paniwalaan natin. Anuman ang nasa isang panig ng isang ‘magkapantay’ na palatandaan ay dapat na eksaktong pareho katulad ng nasa kabilang panig ng walang anumang pagkakaiba sa halaga, tanging sa paraan lamang kung paano ito ipinahayag. Paano natin ngayon masasabi na ang isang lalaki, na hindi kayang magbuntis o magsilang at pagkatapos ay magpasuso ng sanggol ay kapantay ng isang babae na may kakayahan?
Pantay Sa Pananampalataya At Mga Gawain
Sila ay pantay sa kanilang mga paniniwala at mga mabubuting gawa syempre. Subalit mananatili pa ring hindi magkatulad bilang isa’t-isa. Ang bawat isa ay dapat na gampanan ang kanilang mga papel bilang mga tao.
Mga Karapatan Ng Bata Ay Pinangangalagaan
Ang Islam din naman tungkol sa mga karapatan ay mas nakakahigit. Ang kabataan ay mayroon ding mga karapatan sa Islam. Kapag ang lalaki ay namatay ang kanyang kayamanan ay maiiwan sa kanyang pamilya. Paano malalaman ng hukuman kung kanino ibibigay ang kayamanan ng lalaki, kung siya ay isa sa mga asawa ng isang babae? Paano malalaman ng bata kung sino ang kanyang ama? Walang lipunan ang kailanman nagtaguyod ng konseptong pag-aasawa ng babae sa dalawa o higit pang mga lalaki ng sabay-sabay.
Karapatan Ng Kababaihan – Pinakamainam Na Pakikitungo
Halos lahat ng pamayanan ay itinataguyod ang konsepto na ang lalaki ay magkaroon ng higit sa isang asawa. Ganunpaman, hindi nila binigyan ng hangganan ang bilang o nagbigay sila ng pangangalaga at pagpapanatili na ang Islam ay ipinipilit ito sa bawat isa. Ang Islam ay dumating upang ituwid ang lahat ng bagay. Ang kababaihan ay binigyan ng mga karapatan. Ang mga kalalakihan ay mahigpit na inatasan na pakitunguhan ang kanilang kababaihan ng pinakamainam na pakikitungo.
Hangganan – Bilang ng Pag-aasawa
Noong isiniwalat ang talata ang mga kasamahan ni Muhammad ﷺ ay hindi nagmamadaling lumabas na may layuning sila ay agarang kukuha ng apat na mapapangasawa. Ang iba sa kanila ay mayroon ng mas higit pa doon at ang kalalakihang ito ay kinailangang hiwalayan ang kanilang mga asawa, kung mayroon silang mas higit pa sa apat. Kaya naman hindi ito utos na lumabas upang makakuha ng apat na mapapangasawa. Ito ay utos upang simulan ang pagtatakda ng hangganan. At ang pinaka unang hangganan ay ang; Hindi na hihigit pa sa Apat.
Hangganan – Pantay na Paglingap at Pakikitungo
Pangalawa, ang hangganan ng pantay na pakikitungo sa kanilang lahat. Paano ang isang lalaki magkaroon ng higit sa isang asawa maliban kung siya ay parehong may kakayahan sa pinansiyal at pangangatawan. Susunod, ang hangganan ay malinaw na nakasaad;
“..ngunit kung natatakot kang hindi mo [sila] mapakisamahan ng makatarungan magkagayun isa lang…” [ Maluwalhating Qur’an 4:3]
Mga Muslim ngayon – Karamihan sa monogami
Sa karamihan ng lahat ng Muslim sa mundo, ang lalaki sa pangkalahatan ay isang beses lang nag-aasawa, sa isang babae lang pagkatapos ay mananatili na siya dito hanggang sa kanyang kamatayan o ng kanyang asawa. Saliksikin ang nauusong ito para ang katotohanan ay magpatunay sa kanyang sarili.
Karapatan ng Babaeng Mamili Ng Kahit Sinong Asawa Ang Gusto Niya – Kahit Pa Ito Ay May Asawa Na
Isang napakamahalagang punto na madalas nakakaligtaan ng makabagong lipunan ay ang karapatang ibinigay ng Islam sa kababaihan na hindi ito ibinigay sa kalalakihan. Ang kalalakihan ay limitado lamang makasal mula sa babaeng wala pang asawa. Walang pag-aalinlangan, ito ay magbibigay ng karapatan para sa mga anak at magbibigay sa kanila ng mana mula sa kanilang ama. Subalit ang Islam ay nagpahintulot naman sa kababaihan na mag-asawa ng isang lalaki na may asawa na para mapangalagaan siya sa isang lipunan na ang bilang ng kababaihan ay higit na marami sa bilang ng kalalakihan. Karagdagan pa, ang babae ay maraming mapagpipilian sa kalalakihan. Sa katotohanan, ang babae ay may karapatang pumili mula sa kaninumang lalaki sa pamayanan hangga’t wala pa sa apat ang asawa nito. Siya din ay may pagkakataong makita kung paano ang ibang mga asawa ay pinakikitunguhan at papasok sa pag-aasawa na batid niya kung ano ang aasahan niya sa kanyang mapapangasawa. Mangyari pa, ang asawang lalaki ay nararapat na pakitunguhan siya katulad ng pakikitungo nito sa ibang asawa.
Ang Kababaihan Ay Kailangan ng Asawa – Si Allah ay Nagkaloob ng Kasagutan
Ang Propeta ﷺ ay hinulaang sa Huling Araw na ang kababaihan ay mahihigitan ang kalalakihan sa bilang ng napakalaki. Ngayon ay nakikita na natin itong nagiging katuparan sa buong mundo. Si Allah ay pinagkalooban na tayo para sa pangyayaring ito. Mangyari pa, Siya ang Nag-iisang nagpahintulot na mangyari ang lahat ng ito at batid na Niya na maraming kababaihan ang darating sa Islam sa mga araw na ito. Alam na din Niya na maraming kalalakihang Muslim na mapapaslang o mamamatay sa murang edad, katulad ng nangyayari ngayon. Ang mga kababaihang ito ay nangangailangan ng mga asawa. Si Allah ay binibigyan tayo ng kalutasan sa lahat ng mga suliranin ng buhay.
Karapatan Ng Kababaihang Bomoto – 1,400 Taong Nakalipas
Maaari din nating maidadagdag na ang Islam ay nagbigay din sa kababaihan ng ganap na estado bilang mamamayan sa mahigit na 1,400 taong nakakaraan sa pagbibigay sa kanya ng karapatang magsalita at bomoto katulad ng sinuman. Ang mga amerikanong kababaihan ay kailangang pang makamit ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada na may “Karapatang Bomoto ng Kababaihan” at hindi napagkalooban ng karapatang bomoto hanggang sa siyamnapung taon lang na nakalipas.
Ang Kababaihan ay Pinapanatili Ang Kanilang Pagkakakilanlan – At Kanilang Mga Pangalan
Karagdagan pa, ang Islam ay pinangangalagaan ang mga karapatan ng kababaihan na panatilihin ang kanilang pagkakakilanlan at sila ay hindi itinuturing na pag-aari ng ilang lalaki. Dahil dito, sila ay hindi pinipilit na baguhin ang kanilang mga apelyido sa apelyido ng kanilang mga asawa. Ito ay kagawian pa rin ng kababaihang Muslim ngayon gaya kung papaano ito noong nakalipas na labing apat na raang taon.
Ang Kababaihan Ay Pinanatili Ang Kanilang Pag-aari At Mga Kita – Ang Kalalakihan Ay Dapat Magbahagi
Ganunpaman, kasabay nito ang kanluraning lipunan ay masyadong nag-aalala tungkol sa paraan ng Islam na dapat ang mag-asawa ay kasal, ang lalaki sa katunayan ay dapat na magtrabaho sa halip na babae; ang babae ay pag-aari ang kanyang sariling ari-arian na walang ibibigay na anuman para pantustos sa tahanan o anak; ang bata ay may karapatan sa kanyang ina na palakihin sila sa halip na sa isang yaya o bahay alagaan; ang ama ay dapat na tustusan ang kanyang mga anak; ang pakikipaghiwalay ay kinasusuklaman; at ang pag-aasawa ay ginawang sagrado..
Ang Kanluranin Ay Hindi Makunsinti Ang Lalaki At Babae – Sa Pag-aasawa
Ito ay isang kakaiba diba, ang isang lipunan katulad ng Amerika, ay walang suliranin sa pagtanggap ng pagtatalik na walang kasal; pagtatalik ng parehong kasarian; pag-aasawa ng parehong kasarian; pagtatalik ng walang pananagutan; mga batang walang ama; at paghihiwalay ay higit na pangkaraniwan kaysa tigdas o bulutong. Ganunpaman, walang pangungunsinti sa pag-aasawa ng lalaki at babae kung wala sa kanilang mga tuntunin.
Anong Mga Kailangan Upang Suriing Muli?
Ihambing mo mismo ang dalawa at tingnan kung alin ang nangangailangan ng pagtatama.