Home Pangunahin Islam Mga Pakinabang sa Pagpasok sa Islam

Mga Pakinabang sa Pagpasok sa Islam

Mga Pakinabang sa Pagpasok sa Islam

Bakit kailangan ang isang tao na maging Muslim? Hindi ba maaaring sumunod na lamang sa anumang relihiyong nais natin?


Maraming taong sumusunod sa mga aral ng isang relihiyon sa pinakamainam ng kanilang makakaya at ang ibang naniniwala sa Diyos sa ilang paraan na walang pagsasabuhay ng anumang pormal na relihiyon. Marami ang iniwan na ang kaisipang may tunay na relihiyon dahil halos lahat ay nag-aangking tunay. At ang ilan ay pumapayag na ang lahat ng mga relihiyon ay tamang landas patungo sa Diyos at lahat ito ay tanggap sa Kanya. Kaya paanong ang Islam ay naiiba mula sa ibang mga relihiyon?

Ang Islam ay mayroong ilang natatanging mga katangian na mapapatunayan sa pamamagitan ng malalim na pag-aaral:

Ang Islam ay ang tanging relihiyon na ang mga pinagmulan ay nanatiling malaya sa pagbabago at panghihimasok ng tao.

Ang kapahayagang banal na ipinahayag ay umaayon sa napagtibay na katotohanan ng agham, maliwanag na nagtataglay ng tanda ng Tagapaglikha ng sangsinukob na ito.

  • Ang Islam ay nagkakaloob ng mga sagot sa mahahalagang pangunahing mga tanong na nabubuo sa isipan ng bawat matalinong tao na yaong may kaugnayan sa layunin ng paglikha at buhay at ang kaugnayan sa malawak na pag-iral pagkatapos ng kamatayan.
  • Ang Islam ay ang tanging relihiyon na nagsusulong ng pagsamba sa Tagapaglikha lamang at lubusang itinatakwil ang pagsamba sa anumang aspeto ng nilikha.
  • Ang Islam ay iwinawaksi ang lahat ng tagapamagitan sa pagitan ng tao at Diyos at pinahihintulutan ang bawat isang makipag-ugnayan sa Kanya ng tuwiran. Sa gayun ay inaalis nito ang pagmamana sa pamumunong pangrelihiyon at iba pang mga pinagmumulan ng pagsasamantalang nakilala sa kasaysayan ng relihiyon sa buong panahon. Sa Islam ay walang kleriko o pamunuang mamamagitan sa pagitan ng tao at kanyang Tagapaglikha.
  • Habang ang monoteistikong mga pananampalataya ay nagsasalo sa pangunahing paniniwala sa Diyos at ang pagkaunawa nila sa Kanya ay nagkakaiba ng malaki. Ang Islam ay nagpapahayag na ang Diyos ay bukod-tangi at walang puwang na makatulad ng anuman sa Kanyang nilikha o nakipagkaisa dito sa anumang anyo. Ang Kanyang mga katangian ay yaong ganap at lubos na sakdal at walang anumang katiting na kapintasan o hangganan man.
  • Hindi kagaya ng ibang mga relihiyon o mga pananaw na nagpapahalaga sa ilang aspeto ng kalikasan ng tao kapalit ng kapinsalaan sa iba. Ang Islam ay kinukupkop lahat ang pampisikal pang-kaisipan at pang-espiritwal na mga aspeto ng tao. Ang mga paniniwalang Islamiko at mga kinagawian ay likas at umaayon sa sentido kumon. Ang mga ito ay nagpapakita ng balanseng programa ng buhay na pumupuno sa parehong pisikal at espiritwal na mga pangangailangan.
  • Ang Islam ay ipinagbabawal ang bulag na pagsunod ng walang kaalaman at ito ay nakabatay sa katibayan at lohika. Ang makatuwirang pag-iisip ay ang batayan para sa pananagutang pangrelihiyon. Ang lahat ng aspetong Islamikong paniniwala ay malinaw at walang malabo o alinlangan. Ito ay hindi naglalaman ng sumasalungat sa katuwiran o nakatambad na katotohanan at ito ay nananawagan sa mga taong pag-aralan at mag-isip bilang paraan ng pagpapatatag sa pananampalataya.
  • Ang pang relihiyon moral ekonomiya politika at pampamayanang etika ng Islam ay pangmalagian at patuloy na mananatili. Ang mga ito ay pinamamahalaan ng isang itinakdang hindi mababagong mga prinsipyo na kinabibilangan ng pandaigdigang pag-uugali bilang katarungan kalayaan pagkakapantay kapatiran at tungkuling panlipunan. Ang kasaysayan ay nagkaloob ng napakadakilang halimbawa sa huwarang Islamikong pamayanan na itinatag ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] at kanyang mga kasamahan at napanatili sa maraming dekada ng mga debotong Muslim na ang katotohanan at hayag katarungan at pagdadamayan ay ipinatutupad bilang mahalagang pagpapahayag ng relihiyon.

Ang Islam ay nagpapahayag din na ito ang relihiyon ng katotohanan, dahil ito ay binanggit ng napakalinaw sa Qur’an. Datapwat, ang Tagapaglikha ay hindi ipinipilit ang Kanyang pinili sa kaninuman. Nais Niyang ang tao ay tanggapin ng tamang patnubay sa pamamagitan kanilang sariling pagpili at malayang kalooban dahil dito sila’y magiging karapat-dapat sa Kanyang pagsang-ayon at gantimpala. Ang Qur’an ay nagpahayag:

“Walang sapilitan sa [pagtanggap ng] pananampalataya. Ang katotohanan ay ginawang maliwanag mula sa kasinungalingan.” [Maluwalhating Qur’an 2:256]

“Kung ninais ni Allah, talagang ginawa na sana Niya kayong isang kalipunan, ngunit [ninais Niyang] subukin kayo sa ibinigay Niya sa inyo. Kaya mag-unahan kayo sa mga mabuting gawa. Kay Allah ang kayo babalik lahat at ipinabatid Niya sa inyo ang hinggil sa inyong pinagkakasalungatan noon. [Maluwalhating Qur’an 5:48]

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…