Si Ali Banat ay isang milyonaryong Astralyanong Muslim na nabantog sa pagturing sa sariling “hinandugan ng kanser” at bilang kapalit ay inihandog ang kanyang kayamanan sa mga dukha, namatay noong May 29, 2018. Siya ay 32 gulang.
Si Banat, isang milyonaryong mangangalakal sa Sydney, ay unang nasuring may ika-4 na antas ng kanser taong 2015. Matapos matanggap ang nakakapangilabot na balita, ang kanyang mga doktor ay nagsabi sa kanyang mabubuhay na lamang siya ng ilang mga buwan, ni hindi na aabot ng taon. Ang Diyos, gayunman ay may ibang panukala.
Si Banat ay patuloy na nabuhay pa ng sumunod na tatlong taon. Sa panahong yaon ay binago niya ang kanyang buhay; isang pagbabagong inalay niya ang kapurihan sa Diyos para sa pagkakaloob sa kanya ng biyayang kanser, binuksan ang kanyang mga mata sa tunay na kahulugan ng buhay. Siya ay binigyan ng pagkakataong mamuhay sa kanyang mga huling araw para sa ikalulugod ng Diyos at para sa paglilingkod sa iba sa halip na mahumaling ng marangyang pamumuhay at pagkamakasarili.
Minsan ng nilamon ng pagwawaldas at pagpapakita ng kanyang kayamanan – si Banat ay pinayabang ng magagarang mga sasakyan, mamahaling alahas at mga de-kalidad na uso – pagkatapos siya ay napukaw na ipamigay lahat ng kayang napakalaking kayamanan at nagsabing ang kanyang layunin ay iwanan ang kanyang buhay sa lupa na walang makamundong mga pag-aari.
Habang may hindi tiyak na hinaharap sa kanya at inspirasyon mula sa Diyos na gumawa ng dakilang mga gawaing kawanggawa habang siya ay may pagkakataon pa, si Banat ay inilaan kung ano ang natitira sa kanyang buhay para sa paglilingkod sa iba. Siya ay nagtayo ng Muslims Around The World-Project bilang kasangkapan para sa kanya at iba pang pilantropikong kaloob. Itinuon ang kanyang misyon sa Aprika, partikular sa Togo sa Kanlurang Aprika, naglakbay para makatagpo ng mga nangangailangan at tumulong sa pagpapatayo ng mga masjid, pagamutan, mga kanayunan, at isang paaralan para sa daang-daang mga ulila.
Ang paglilingkod at pagtulong sa mga ulilang nangangailangan ay natatanging kapaki-pakinabang para sa mga Muslim, partikular para sa pakinabang na makakamit nila sa kabilang-buhay. Si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagwika,
“AKO AT ANG ISANG NANGANGALAGA SA ULILA AY KAGAYA NITO SA PARAISO,” IPINAKITA ANG HINTUTURO AT HINLALATONG NA DALIRI AT PINAGDIKIT ITO. [SAHIH BUKHARI]
Ang kawikaang ito, o Hadith ni Propeta Muhammad ﷺ ay nagpapakita kung gaano kahalaga ito para sa mga Muslim na maging mabait at mag-aruga ng mga ulila, ipinakikitang kung gagawin nila ito ay mapapalapit sila sa kanya sa paraiso. Ngunit hindi lang ang mabubuting mga gawa habang siya ay nabubuhay ang hinahangad ni Banat. Hinikayat niya ang ibang makibilang rin sa kanyang gawaing kawanggawa, upang sa gayun ay makinabang rin sila mula sa kanilang mabubuting gawa sa buhay na ito at sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
Bago ang kanyang kamatayan, si Banat ay nagwika,
“SA IYONG BUHAY, SUBUKANG MAGKAROON NG LAYUNIN, PANUKALA, ISANG PROYEKTONG PATULOY MONG PAGLILINGKURAN. KAHIT PA ITO AY HINDI MO PERSONAL NA GINAGAWA AT TINUTUSTUSANG MGA PROYEKTO NG IBA, BASTA’T GUMAWA KA NG ISANG BAGAY.”
Sa pamamagitan ng panghihikayat sa ibang sundan ang kanyang mga aral, si Banat ay ipinamuhay ang halimbawa ni Propeta Muhammad na nagwikang,
“Ang mga gantimpala ng mabubuting gawa na makakarating sa isang mananampalataya pagkatapos ng kanyang kamatayan ay: Kaalamang itinuro at ipinakalat; isang matuwid na anak na kanyang naiwan; isang kopya ng Qur’an na iniwan niya bilang isang pamana; isang masjid na itinayo niya; isang bahay na itinayo niya para sa mga manlalakbay; isang kanal na kanyang hinukay; o kawanggawang kanyang ibinigay habang siya ay nabubuhay na malusog. Ang mga gawang ito ay makakarating sa kanya pagkatapos ng kanyang kamatayan.” [Ibn Majah]
Ang ganitong uri ng nagpapatuloy na gantimpala ay natatanging sa Islam at nagpapakita ng dakilang habag ng Diyos sa mga sumusuko sa Kanya. Napukaw at nahikayat ng pamana ni Banat, ang mga Muslim at di-Muslim sa buong mundo ay sinamantala ang mahabaging handog na ito mula sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling ambag sa proyektong MATW ni Banat. Sa katunayan mahigit $ 1 milyong Astralyang dolyar ang naipagkaloob sa layuning ito, tinitiyak sa nagkaloob nito na mabibiyayaan ng mga gantimpala sa kanilang kawanggawa kahit pa pagkatapos na sila ay mamatay.
Ang huling mga taon ni Banat at magpapatuloy na pamana ay walang dudang nakakapukaw ng damdamin. Siya ay gumanap bilang halimbawa ng magandang awa ng Diyos at kung paanong ang buhay kahit pinaikli ay maaaring maging isang buhay na maayos ipinamuhay kung inilaan sa pagsamba sa Diyos at sa paglilingkod sa iba.