Home Blog Mga Artikulo Moralidad at Mga Kaugalian sa Islam

Moralidad at Mga Kaugalian sa Islam

Moralidad at Mga Kaugalian sa Islam

Pagpapaunlad ng Sarili

Ang katagang Moralidad ay hango sa katagang Latin na moralitas na nangangahulugang “ugali, pagkatao at kagandahang-asal”. Ang moralidad sa pangkalahatan ay tumutukoy sa tuntunin ng pag-uugali, na ang bawat isa, lupon o pamayanan ay tumatayo bilang tagapagpatupad, sa pagkilala ng tama mula sa mali. Ang ganitong huwarang tuntunin ng pag-uugali ay madalas na unang niyayakap sa halip na angiba pang mga mapagpipilian.

Ang Islam bilang komprehensibong panuntunan ng buhay ay sumasaklaw sa isang kompletong sistemang moral na isang mahalagang aspeto ng pandaigdigang pananaw nito. Tayo ay namumuhay sa panahon na kung saan ang mabuti at masama ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay na mga konsepto. Samantalang ang Islam, pinanghahawakan na ang mga katayuang moral ay hindi magkaugnay, at sa halip, ipinapaliwanag ang pandaigdigang pamantayan na kung saan ang bawat gawa ay maaaring ituring na mabuti o masama.

Ang sistemang moral ng Islam ay kapansin-pansinng hindi lamang nito binibigyang linaw ang moralidad, bagkus ginagabayan rin ang sangkatauhan kung paano makamit ito, sa parehong indibidwal o maging sa isang pangkalahatang antas.

Pangunahing Mga Prinsipyo sa Islamikong Moralidad

Ang Islamikong sistemang moral ay nagsanga mula sa pangunahing kredo nito na paniniwala sa Isang Diyos bilang ang Tagapaglikha at Tagapagtustos ng Sansinukob. Ang Islam ay itinuturing ang liping tao na bahagi ng mga nilikha ng Diyos, at ng Kanyang pamamahala.

Mula sa Islamikong pananaw, ang layunin ng buhay ng tao ay para sambahin ang Diyos, sa pamamagitan ng pag-aakay sa buhay na itong umayon sa Banal na Kalooban, at sa pamamagitan nito ay makamit ang kapayapaan sa mundong ito, at ang walang hanggang tagumpay sa kabilang-buhay. Ang mga Muslim ay itinuturing ang Maluwalhating Qur’an at ang mga Tradisyon ng Propeta bilang kanilang moral na gabay.

Ang Maluwalhating Qur’an ay nagpahayag:

“Hindi kabutihan na inyong iharap ang inyong mga mukha sa dakong silangan o kanluran; datapwa’t ang kabutihan ay ang paniniwala kay Allah, at sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa mga Aklat, at sa mga Propeta; at mga nagbibigay ng salapi dahil sa pagmamahal niya sa mga kamag-anak, sa mg ulila, sa mga dukha, sa mga manlalakbay, at sa mga pulubi, at para sa pagpapalaya ng mga alipin; at mga nagsasagawa ng wastong pagdarasal; at mga nagbibigay ng zakah; at mga tumutupad ng taimtim sa pangako kapag sila ay nangako; at ang mga matiisin sa sandali ng kapinsalaan sa ari-arian at kapinsalaan sa katawan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ang makatotohanan at mga nangingilag magkasala.” [Maluwalhating Qur’an 2:177]

Ang talatang ito ay binigyang-linaw ng Islamikong paniniwala na ang kabutihan at pagkamatuwid ay nakabatay, bago ang lahat ay sa isang tunay at dalisay na pananampalataya. Ang susi sa mabuting katangian at mabuting ugali ay matibay na ugnayan sa Diyos, na Siyang nakakakita sa lahat, sa lahat ng oras at saan man. Nalalaman Niya ang mga nakatago sa mga puso at ang layunin sa likod ng lahat ng mga pagkilos. Samakatuwid, ang Islam ay ipinag-uutos ang moral na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon; ang Diyos ay batid ang bawat isa habang walang isaman ang nagmamalay. Maaaring malinlang ang mundo, subalit hindi mangyayaring malinlang ang Tagapaglikha.

Ang pagmamahal at patuloy na kabatiran ng Diyos at ang Araw ng Paghuhukom ay nagagawa ang tao na maging mabuti sa pag-uugali at dalisay sa mga layunin, na may debosyon at dedikasyon.

Ang Maluwalhating Qur’an ay nagpahayag din:

“Sabihin mo; ‘Ipinagbawal lamang ng aking Panginoon ang mga gawain mahalay, ang anumang nakalitaw sa mga ito at ang anumang nakatago, ang kasalanan, ang paglabag sa karapatan nang walang katuwiran, ang tambalan ninyo si Allah ng anumang hindi naman Niya pinadalhan ng patunay, at ang magsabi kayo hinggil kay Allah ng anumang hindi ninyo nalalaman.” [Maluwalhating Qur’an 7:33]

Kapansin-pansing ang Qur’an ay tinutukoy ang “mga kasalanan at paglabag laban sa katotohanan at katuwiran”. Ito ay nagpapakita ng biyaya ng Diyos sa bawat tao, ng isang likas na diwang pangmoral. Ang ganitong diwang pangmoral, na kapag hindi nasira ng pamilya o lipunan, ay nag-aakay sa tao patungo sa katangi-tanging mga gawang mabuti. Ang Islam ay naglalayong pahusayin at palakasin ang diwang pangmoral sa bawat tao at gayakan ang pag-uugali ng bawat isa ng pinakamarangal na katangian.

Ang Islamikong mga prinsipyong pangmoral samakatuwid, ay likas na umaakit sa talino ng tao, habang tumataas ang paghahangad ng moralidad sa antas ng pagsamba. Ito ay dahil ang Islam ay pinanghahawakan na ang bawat pagkilos na ginawa na may layuning maabot ang kaluguran ng Diyos na Siya lamang ang dapat sambahin.

Moralidad at ang bawat isa

Ang prinsipyong gabay para sa pag-uugali ng isang Muslim ay kung ano ang tinukoy ng Qur’an na tinukoy sa Al-A’mal Assalih o mga mabubuting gawa. Ang katagang ito ay sumasakop sa lahat ng mga gawa, hindi lamang ang panlabas na gawaing pagsamba.

Ang ilan sa mga pangunahing katangiang makikita na inaasahan sa isang Muslim ay matuwid, makatao at malawak na pang-unawa sa pananagutan sa Diyos. Ang isang Muslim ay inaasahang mapagpakumbaba sa harapan ng Diyos at sa ibang tao. Ang Islam ay ipinag-uutos din sa bawat Muslim na isagawa ang pagpipigil sa kanilang mga silakbo at mga pagnanasa.

Ang Islam ay nagbabala laban sa kapalaluan at labis na pagkahumaling sa panandaliang kaligayahan ng mundong ito. Habang madali lamang na hayaan ang ating mga puso na malagyan ng makamundong bagay, ang Islam ay nag-aanyaya sa mga taong panatilihin ang Diyos sa kanilang mga puso at gamitin ang mga bagay sa mundo ng katamtaman at naaayon sa gabay ng Diyos. Ang Maluwalhating Qur’an ay nagpahayag:

“Sa Araw na hindi makapagdudulot ng pakinabang ang yaman ni mga anak, maliban sa sinumang pumunta kay Allah nang may malinis na puso.” [Maluwalhating Qur’an 26:88-89]

Kawanggawa ang isa sa mga pinakakapuri-puring gawa sa Islam. Katunayan, ang Zakah, ang taunang kawanggawa ay tungkulin sa bawat Muslim na may naitagong kayamanang umabot sa takdang hangganan, ay isa sa mga haligi ng Islam.

Pagpapasalamat sa kaunlaran, pagtitiis sa kahirapan, at tapang na panghawakan ang katotohanan, kahit mahirap para sa sarili, ay ilan lamang sa mga katangian na ang bawat Muslim ay hinihimok na pagyamanin.

Moralidad at Lipunan

Para sa isang indibidwal gayundin bilang isang lipunan, ang moralidad ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng lakas, katulad din ng imoralidad ay isa sa mga dahilan naman ng pagbagsak. Habang iginagalang ang karapatan ng bawat isa sa loob ng malawak na balangkas ng Islam, ang Islam ay pinahahalagahan din ang kalusugang pangmoral ng lipunan.

Kaya, ang lahat na landasin patungo sa kapakanan ng bawat isa at ng lipunan ay mabuting pangmoral sa Islam, at anumang nakakapinsala ay itinuturing masama na pangmoral.

Binibigyang pagpapahalaga ang isang malusog at makatarungang lipunan, ang Islam ay nagtataguyod ng moralidad at mga bagay na nag-aakay patungo sa pagpapaunlad ng moralidad, at humahadlang sa daanan ng katiwalian at mga bagay na nag-uudyok patungo sa pagkalat ng katiwalian. Ang mga pag-uutos at mga pagbabawal sa Islam ay makikita sa ganitong liwanag.

Konklusyon

Ang moralidad sa Islam ay binibigyang pansin ang bawat aspeto ng buhay Muslim, mula sa pagbati hanggang sa mga ugnayang pandaigdigan. Pandaigdigan ang saklaw nito at kaangkupan nito.

Ang isang Muslim ay inaasahang hindi lamang may mabuting katangian, bagkus ito ay nagtataguyod din ng kabutihan. Siya ay dapat hindi lang nagpipigil mula sa masama at bisyo, bagkus dapat ay masigla ring nagsasabi sa mga taong iwasan ito. Sa madali’t salita, sila ay hindi lamang dapat na masigla ang moral, bagkus ay dapat ring mag-ambag sa kalusugang pangmoral ng lipunan sa kabuuan.

Ang Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay binuod ang pag-uugali ng isang Muslim nang sabihin niya:

“Ang Tagapagtustos ko ay binigyan ako ng siyam na utos: laging mangilag sa Diyos, kahit patago man o hayagan; magsalita ng makatarungan, kahit nagagalit man o nasisiyahan; magpakita ng katamtaman maging mahirap man o mayaman, muling pagkasunduin ang pagkakaibigan sa kanilang pinutol ito sa akin; magbigay sa kaniyang tinanggihan ako; na ang aking pananahimik ay maabala sa pagmumuni-muni; na ang aking pagtingin ay nararapat na maging isang babala; at nararapat na ako ay nag-uutos kung ano ang tama.”

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…