Maaari na isa kang Protestanteng Kristiyano, Katoliko, Hudyo, ateista, o agnostiko o kabilang ka sa isa sa maraming ibat-ibang sekta ng relihiyon na mayroon ngayun ang mundo. Maaari ding komunista o naniniwala sa demokrasya ng tao bilang patakaran sa mundo. Sino ka man at anuman ang idolohiya o paniniwalang pampulitika, mga kinagawiang panlipunan ang pinanghahawakan mo, ay walang pag-aalinlangan.
Katiyakang Nakikilala Mo Ang Taong Ito – Muhammad ﷺ
Siya ay kahanga-hangang tao na lumakad dito sa mundo na napakalayo kung ihahambing sa iba. Siya ay nangaral ng relihiyon, nagtatag ng estado, nagtayo ng bansa, naglatag ng panuntunan ng moralidad, nagpasimula ng ilang mga pagbabagong panlipunan at pulitika, nagtatag ng makapangyarihang at aktibong lipunan para isabuhay at katawanin ang kanyang mga aral at kumpletong puspusang pagbabago sa pangkaisipan ng tao at pag-uugali para sa lahat ng panahong darating.
Ang Pangalan Niya Ay Muhammad ﷺ
Siya ay ipinanganak sa Arabia sa taong 570 C.E (Common Era), nagsimula sa kanyang misyon ng pangangaral ng Tunay na relihiyon, Islam (pagsuko sa Nag-iisang Diyos), sa edad na apatnapung taon at lumisan sa mundong ito sa edad na animnapu’t tatlo.
Sa maiksing panahon sa loob ng 23 taon ng kanyang pagkapropeta, binago niya ang kabuuan ng Peninsula ng Arabia mula sa paganismo at idolohismo patungo sa pagsamba sa Isang Diyos, mula sa sigalot at mga digmaan ng mga tribu patungo sa pambansang pagkakaisa at pagtutulungan, mula sa pagkagumon sa alak at animo’y hayop na pamumuhay patungo sa kahinahunan at pagkamatuwid, mula sa kawalan ng batas at paniniil patungo sa disiplinadong pamumuhay, mula sa pagkalugmok sa kahirapan patungo sa karangyaan at napakataas na pamantayan ng moralidad. Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay hindi kailanman nakabatid ng ganitong pagbabago ng mga tao o lugar noon o sa kasalukuyan – at PAKAISIPIN ang lahat ng ito na mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa LOOB LAMANG NG DALAWANG DEKADA.
Ang mundo ay nagkaroon ng bahagi ng mga dakilang personalidad. Subalit ito ay sa isang anggulo lamang kinilala ang kanilang sarili maliban sa isa o dalawang larangan, katulad ng makadiyos na kaisipan at pamumunong militar. Ang pamumuhay at mga aral ng dalawang dakilang personalidad na ito ng mundo ay nababalot sa ulap ng panahon. Maraming mga haka-haka tungkol sa panahon at lugar ng kanilang sinilangan, ang paraan at estilo ng kanilang buhay, ang kalikasan at detalye ng kanilang mga aral at ang antas at sukat ng kanilang tagumpay o pagkabigo ay imposible sa sangkatauhan na buuin muli ang saktong katulad ng pamumuhay at mga aral ng mga taong ito.
Hindi katulad ng taong ito. Si Muhammad ﷺ ay nagawa ang napakarami sa ibat-ibang larangang pangkaisipan ng tao at kaugalian na pinakamaningning sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang bawat detalye ng kanyang pribadong buhay at mga sinabi sa publiko ay naitala ng sakto at matapat na naingatan hanggang sa ating panahon. Ang pagkamakatotohanan ng mga tala ay naingatang mabuti na pinatutunayan hindi lamang ng mga mananampalatayang tagasunod bagkus maging ang kanyang mga kritiko na may pagkiling sa sarili.
Si Muhammad ﷺ ay isang guro ng relihiyon, repormador ng lipunan, tagapatnubay ng moralidad, huwaran ng pamamahala, tapat na kaibigan, kakaibang kasamahan, mapagmahal na asawa, mapag-arugang ama – lahat sa iisa. Walang ibang tao sa kasaysayan kailanman ang nanguna o kapantay niya sa kahit na alinman dito na aspeto ng buhay – subalit ito ay para lamang sa hindi makasariling personalidad ni Muhammad ﷺ upang marating ang ganitong hindi kapani-paniwalang kaganapan.
Si Muhammad ﷺ ay hindi na hihigit pa sa isang nilikhang tao. Subalit siya ay tao na may banal na misyon, upang pagkaisahin ang sangkatauhan sa pagsamba sa Isa at Namumukod Tanging Nag-iisang Diyos at upang turuan sila ng daan tungo sa tapat at tuwid na pamumuhay batay sa mga utos ng Diyos. Madalas niyang isalarawan ang kanyang sarili bilang, ‘Lingkod at Sugo ng Diyos’ at tunay nga na ang kanyang bawat gawa ay nagpapatunay.
Ngayon pagkatapos ng lumipas na labing apat na raang taon, ang buhay at mga aral ni Muhammad ﷺ ay nagpatuloy na walang anumang nawala, napalitan o nabago. Ito’y nag-aalok ng parehong hindi mapapabulaan na pag-asa para gamutin ang maraming sakit ng sangkatauhan, na ginawa nila noong siya ay nabubuhay pa. Ito ay hindi inaangkin ng mga tagasunod ni Muhammad ﷺ, subalit ang hindi maiiwasang kongklusyon na ipinipilit ng maingat at patas na kasaysayan.
Ang pinakamaliit mong magagawa bilang nag-iisip at may malasakit na tao ay huminto pansamantala at tanungin ang sarili: Ang mga salaysay bang ito na may kakaibang tunog at mapanghimagsik ay tunay nga ba? At ipagpalagay na ito nga ay tunay at hindi mo nakikilala ang taong ito si Muhammad ﷺ o nakarinig ng tungkol sa kanya, hindi kaya ito na ang panahon na upang ikaw ay tumugon sa matinding hamon at maglagay ng ilang pagsisikap upang makilala siya?
Walang mawawala sayo, bagkus ito ay maaaring patunay na maging simula ng panibagong yugto ng iyong buhay. Ni Eng. Husain Pasha.
Inaanyayahan ka namin na tuklasin ang kahanga-hangan tao na ito, si Muhammad ﷺ, na ang katulad niya ay hindi kailanman lumakad sa ibabaw ng mundong ito.