Nasaan ang Diyos?
Sa kasalukuyan ang tanong ay nananatili Nasaan ang Diyos? Ang ibang mga relihiyon ay nagtuturo na “ang Diyos ay nasa lahat ng dako”. Sa katunayan ito ay tinatawag na panteismo at ito ay taliwas sa ating sistema ng paniniwala sa Islam. Si Allāh ay malinaw na nagsabi na wala, saanman dito sa sansinukob ang gaya Niya na kapareho sa Kanya, ni kailanmang Siya ay nasa Kanyang nilikha.
Sinasabi niya sa Qur’an na nilikha Niya ang sansinukob ng anim na “yawm” (yugto ng panahon) at pagkatapos Siya ay “astawah ‘ala al Arsh” (“pumaibabaw, sa itaas ng Kanyang Trono”).
Si Allāh ay may ganyang ganap na Kaalaman para Kanyang malaman ang lahat ng mga bagay sa nakaraan, sa kasalukuyan at hinaharap sa lahat ng lugar sa natatanging iisang pagkakataon. Pareho ding masasabi tungkol sa Kanyang ganap na Pagdinig at Paningin. Sa ganitong paraan, ang Kanyang Kaalaman, ang Kanyang Pandinig, ang Kanyang Paningin ay nasa lahat ng dako ng magkakasabay.
Sa bagay na ito, si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagsabi sa atin na si Allāh ay malapit sa atin gaya ng ugat sa ating leeg. Kanya ring ipinaliwanag na si Allāh ay “kasama natin” kung tayo ay taimtim na sumasamba sa Kanya at sa mga oras ng pangangailangan. Likas na ito ay hindi sumasalungat sa Kanyang pag-iral sa labas ng Kanyang nilikha.
Ang Qur’an ay nag-alok sa atin ng higit na detalyadong pagpapa-uunawa kung Nasaan ang Diyos?
“Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha sa mga kalangitan at sa kalupaan sa loob ng anim na yawm [mga araw o yugto ng panahon] at pagkatapos ay pumaibabaw Siya sa Trono—ipinangtatalukbong Niya ang gabi sa maghapon na sumusunod naman doon sa gabi nang maliksi—at sa araw, sa buwan at sa mga bituin, na mga sunod-sunuran sa utos Niya. Pakaalamin, ukol sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.” [Maluwalhating Qur’an 7:54]
“Tunay na ang inyong Panginoon ay si Allāh na Siyang lumikha sa mga langit at lupa sa loob ng anim na araw at pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono, nangangasiwa sa kapakanan. Walang tagapamagitan kung hindi pagkatapos [na magkaroon] ng Kanyang pahintulot. Iyan ang inyong Panginoon, kaya naman sambahin ninyo Siya. At hindi pa ba kayo tatanggap ng paalaala.” [Maluwahating Qur’an 10:3]
“Si Allāh ang nag-angat sa mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Pinaglingkod Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay tumatakbo sa takdang taning. Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan; sinari-sari Niya ang mga Tanda nang harinawa kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo ay makatiyak.” [Maluwalhating Qur’an 13:2]
“Siya na lumikha sa mga kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw at pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Ang Napakamaawain, bilang Nakababatid, ay humiling ka sa Kanya.” [Maluwalhating Qur’an 25:59]
“Si Allāh ay ang siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw at pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Hindi na kayo magkakaroon bukod pa sa Kanya ng anumang tagatangkilik ni tagapamagitan. Kaya hindi pa ba kayo mapaalalahanan?” [Maluwalhating Qur’an 32:4]
“At nilikha Namin [Si Allāh ay gumagamit ng pantukoy na ‘Kami o Namin’ bilang kamaharlikaan katulad ng hari na nagsasabi, ‘Kami ay nagtatakda ng mga sumusunod…’, ito ay hindi pangmaramihan] ang mga kalangitan at ang kalupaan at anumang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw at hindi Kami nasaling ng anumang kapagalan.” [Maluwalhating Qur’an 50:38]
“Siya ang lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw at pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Nalalaman Niya ang pumapasok sa lupa at ang lumalabas mula rito, ang bumaba buhat sa langit at at ang umaakyat doon. At Siya ay kasama ninyo saan man kayo naroon. At si Allāh, sa ginagawa ninyo, ay Nakakikita.” [Maluwalhating Qur’an 57:4]
Makikita natin mula sa mga pahayag na ito ang napakamakatuwirang paraan para maintindihan ang kalikasan ng Diyos na hindi Niya inihahambing ang Kanyang sarili sa nilkha o paglalagay sa Kanyang sarili sa Kanyang nilikha.