Ang pagiging Muslim ay isang madaling proseso. Bibigkasin lamang ninyo:
“Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
Ang pagsasabi ng mga payak na katagang iyan, na may paniniwala, ay magpapasok sa isang tao sa Islam. Ang pahayag na ito ay kilala bilang Pagsaksi ng Pananampalataya.
Ang katagang Arabeng “Islam” ay nangangahulugang ‘pagsuko’ at hango sa katagang pinagmulan rin ng ‘kapayapaan’. Dahil dito ang relihiyong Islam ay nagtuturo para makamit ang tunay na kapayapaan ng isipan, nararapat siyang sumuko sa Diyos. Ang katagang ‘Muslim’ ay nangangahulugang siyang sumuko sa kalooban ng Diyos.
Ang Islam ay hindi bagong relihiyon dahil ‘ang pagsuko sa kalooban ng Diyos’ [hal. Islam], sa tuwina ay ang tanging tatanggaping relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa kadahilanang ito, ang Islam ay ang tunay na ‘likas na relihiyon’, at ito ang parehong magpakailanmang mensahe na ipinahayag sa lahat ng panahon sa lahat ng mga propeta at mga sugo ng Diyos.
Ang pangunahing mensahe ng lahat ng mga propeta sa tuwina ay mayroon lamang Nag-iisang Tunay na Diyos at Siya lamang ang dapat sambahin. Ang mga propetang ito ay kinabibilangan nina Noe, Abraham, Moises, David, Solomon, Juan Bautista at Hesus, sumakanilang lahat ang kapayapaan.
“Wala Kaming isinugo noong wala ka pa, na anumang sugo na hindi Kami nagtagubilin sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin Ako.” [Maluwalhating Qur’an 21:25]
Mga Pakinabang ng Pagyakap sa Islam
- Pagkakamit ng Kapayapaan sa Kaibuturan
Sa daigdig na labis ang kamunduhan, ang mga tao ay hindi kuntento at hungkag sa espirituwal. Ang pagsuko sa Diyos ng sariling pagnanasa ay mag-aakay sa isang bagay na hinahangad ng lahat: kapayapaan ng kalooban at katiwasayan. Ang mga tao ay nilikha sa dalawang bahagi, ang isa ay pisikal na katawan at ang isa ay ang kaluluwa. Ang pisikal na katawan ay kumukuha ng lakas mula sa pagkain, ngunit ang kaluluwa ay nangangailangan ng ugnayan sa Diyos para sa kasiyahan nito. Ang pagsamba sa Diyos ay nagbibigay ng kapanatagan sa kaluluwa.
“Ang mga sumasampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa paggunita kay Allah. Pakaalamin, tunay na sa paggunita kay Allah napapanatag ang mga puso.” [Maluwalhating Qur’an 13:28]
- Pagkakaroon ng isang Tuwirang Ugnayan sa Diyos
Sa pamamagitan ng pagyakap sa Islam, ang isang tao ay gumagawa ng pansarili at tuwirang ugnayan sa Diyos. Ang malapit na pakikipagkaibigan sa Diyos ay nag-aakay sa taong harapin ang mga hamon at pagsubok ng buhay na ito at sa susunod. Ang kaalamang ang Diyos ay nasa iyo sa bawat sandali ay napakalaking ginhawa at kahiit kailanman makaharap mo ang hamon sa buhay, ay ilalagay mo ang iyong tiwala sa Kanya na lutasin ito para sa iyo.
“Pakaalamin, tunay na ang mga tinatangkilik ni Allah ay walang pangamba sa kanila at hindi sila malulungkot.” [Maluwalhating Qur’an 10:62]
- Pagtuklas sa Layunin ng Iyong Buhay
Ang pagyakap sa Islam ay nangangahulugang ikaw ay nasa landas para ganapin ang layunin ng iyong buhay. Ang pinakadahilan ng Diyos sa paglikha sa atin ay para sambahin Siya. Ang Islam ay nagtuturo sa iyo kung papaano sambahin ang Diyos at mapalapit sa Kanya:
“Hindi Ko nilikha ang mga jinn at mga tao kundi para sambahin Ako.” [Maluwalhating Qur’an 51:56]
- Lahat ng Kasalanan ay Pinatawad
Sa pagyakap sa Islam, ang lahat ng mga nakaraang kasalanan ay pinatatawad. Ang isang bagong Muslim ay kagaya ng isang bagong silang na sanggol. Anumang kasalanang iyong nagawa, kahit pa gaano karaming ulit ginawa ito o gaano man kalaki ito, ang Diyos ay maaaring patawarin ito. Ang Diyos ay minamahal ang magpatawad; ang mga tao ay maaaring mapagod sa paghingi, ngunit ang Diyos ay hindi napapagod sa pagbibigay.
Sabihin mo, “O mga lingkod Ko na nagmalabis laban sa mga kanilang sarili, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah, tunay na si Allah ay nagpapatawad sa lahat ng pagkakasala. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” [Maluwalhating Qur’an 39:53]
- Walang hanggang Kaligayahan
Ang pinakadakilang pakinabang ay ang isang Muslim ay pinangakuan ng Diyos ng gantimpalang walang hanggang Paraiso. Silang mga biniyayaan ng Paraiso ay mamumuhay magpakailanman sa kaligayahan na walang anumang karamdaman, sakit o kalungkutan. Ang Diyos ay malulugod sa kanila at sila ay malulugod sa Kanya. Sa Paraiso ay may mga kaligayahang wala pang mata ang nakakita, wala pang taingang nakarinig, at wala pang isipangnakaisip. Ito ang magiging tunay na buhay, hindi lang espiritwal bagkus ay pisikal din.
“Ang bawat may-buhay ay makakaranas ng kamatayan. At matatamo lamang ninyo nang lubusan ang inyong gantimpala sa Araw ng Pagkabuhay na muli. Kaya ang sinuman ang hinango sa Apoy at ipinasok sa Paraiso, tunay na siya ay nagtagumpay. Ang buhay sa Mundo ay isa lamang mapanlinlang na kasiyahan.” [Maluwalhating Qur’an 3:185]