Home Mga Tanong Pamilya Kahalagahan ng Pamilya sa Islam

Kahalagahan ng Pamilya sa Islam

Kahalagahan ng Pamilya sa Islam

Pamilya sa Islam

Ang Pamilya ay isang mahalagang bahagi ng Islam, at lahat ng bahagi ng isang pamilya ay binibigyan ng karampatang halaga – mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, sa mga asawa hanggang sa mga kamag-anak at kaibigan.

Mga Magulang

Ang Maluwalhating Qur’an ay paulit-ulit na nagpapaalala sa mga mambabasa nito ng mga tungkulin ng mga anak tungo sa mga magulang, lalo na sa kanilang pagtanda. Ang Diyos ay nagsalaysay sa Qur’an:

“Itinakda ng Panginoon mo na hindi kayo sasamba kundi sa Kanya, at sa mga magulang ay gumawa ng mabuti. Kung inabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanila o kapwa silang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pabalang na salita [kahit lang] ‘hmp’ at huwag mo silang bulyawang dalawa; magsabi ka sa kanilang dalawa ng marangal na salita. Ibaba mo para sa kanila ang pakpak ng kababaang-loob bahagi ng pagkaawa. Sabihin mo: “Panginoon ko, kaawaan Mo sila kagaya ng pag-aalaga nila sa akin noong ako’y bata pa.” [Maluwalhating Qur’an 17:23-24]

At sa dalawa, ang ina ay binigyan ng higit na pagpapahalaga sa Islam. Ang Qur’an ay sumaksi sa pagsasakripisyo ng ina sa pamamagitan ng salaysay na, “..Ipinagbuntis siya ng kanyang ina na nahihirapan at isinilang siya nito nang nahihirapan. Ang pagbubuntis sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan..” [Maluwalhating Qur’an 46:15]

Isa sa tradisyon ng Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay malakas na inaayunan din ito.

Ang isang kasamahan ay tinanong ang Propeta ﷺ, “Sino ang may higit na karapatan sa aking mabuting pakikitungo?” “Ang iyong ina,” ang sagot ng Propeta ﷺ. “Sino pa ang kasunod” “ Ang iyong ina,” ang muli niyang sagot. “Sino pa?” “Ang iyong ina,” ang muli niyang sagot. “Sino pa ang kasunod?” “Ang iyong ama.”

Ang pagsunod sa magulang at pakikitungo sa kanila ng may paggalang at pagmamahal ay dinadakilang katangi-tanging kabutihan, kahit pa sila ay di-Muslim. Ang isang babaeng kasamahan ng Propeta ﷺ ay minsang nagtanong sa kanya kung paano niya pakikitunguhan ang kanyang ina na di-Muslim at tagasunod ng paganong tradisyon at mga paniniwala. Si Propeta Muhammad ﷺ ay sinabi sa kanya na maging mabait at maunawain at maging magalang sa kanya ay karapatan ng ina sa isang anak na babae.

Ganunpaman, ang pagsunod sa magulang ay hindi lalagpas sa pagsuway sa Diyos. Siya ay nagsabi:

“..Subalit kung pagsusumikapan ka nilang dalawa na magtambal ka sa Akin ng anuman na wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanila. Sa Akin kayo magsisibalik at ipababatid Ko sa inyo ang anumang inyong ginawa noon.” [Maluwalhating Qur’an 29:8]

Mga Anak

Ang Islam ay pinayuhan pa ang mga magulang na ituring ang kanilang mga anak ng may awa, pagmamahal, at pantay. Bilang karagdagan, ang mga magulang ay dapat na magkaloob ng maayos na edukasyon sa kanilang mga anak kasabay ng pagpapalaki sa kanila na may matuwidna pag-uugali at responsableng indibiduwal sa lipunan. Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagsabi na ang pinakamainam na handog ng ama na maipagkakaloob sa kanyang anak ay mabuting edukasyon. Ang Propeta ﷺ din ay nagbigay-diin sa tamang pagturing sa mga anak na babae at pangakong gantimpala na paraiso sa mga magulang na magpapalaki ng maayos sa kanilang mga anak na babae. Kasabay nito, ang Diyos ay nagpaalala sa Qur’an na huwag naman magmalabis:

“O mga sumampalataya, huwag kayong makalimot ng dahil sa mga yaman ninyo o ng mga anak ninyo sa pag-alaala kay Allah. Ang sinumang gumawa niyon, ay sila ang mga talunan.” [Maluwalhating Qur’an 63:9]

Kahalagahan ng Pag-aasawa

Ang pag-aasawa ay sagradong kasunduan panlipunan sa pagitan ng lalaki at babae. Katulad ng lahat ng mga malalaking relihiyon, ang Islam ay binibigyang halaga din ang institusyon ng pag-aasawa. Ang Diyos ay nagsabi sa Maluwalhating Qur’an:

“Kabilang sa Kanyang mga Tanda ay ito, na lumikha Siya para sa inyo, mula sa inyong mga sarili, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahalan at awa. Tunay na sa nabanggit na iyon ay may mga tanda para sa mga taong nagiisip.” [Maluwalhating Qur’an 30:21]

Bilang karagdagan, ang Qur’an ay magandang inilarawan ang lalim ng ugnayang mag-asawa sa paghahalintulad sa “kasuotan” ng patalinhaga sa mag-asawa:

“…Sila ay kasuotan ninyo at kayo ay kasuotan nila..” [Maluwalhating Qur’an]

Karagdagan pa, si Propeta Muhammad ﷺ ay binanggit ng tuwiran ang pag-aasawa na kanyang tradisyon at inihalintulad sakalahati ng pananampalataya ng isang tao para mabuo ito.

Homosekswal

Mga sanggunian sa pag-aasawa sa loob ng Qur’an at mga kawikaan ni Propeta Muhammad ﷺ ay walang pag-aalinlangang heterosekswal o [pagkagusto sa ibang kasarian]. Katunayan, ang homosekswal ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam. Ang kasaysayan ni Propeta Lut ay paulit-ulit na binanggit sa Qur’an at ang asal ng kanyang mga mamamayan ay pinangalanang malaswa, karumal-dumal na kasalanan, mahalay, masama, at kahiya-hiya. Habang ang mga Muslim ay hindi nagtatangi laban sa mga bakla at tomboy bilang tao, kinamumuhian nila ang kanilang homoseksuwalidad bilang paglabag sa hangganan na itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula ng panahon. Sa pinakaugat nito, ang makalumang Kristiyanismo at Judaismo ay patuloy din ang mahigpit na pagkondena sa homosekswal. [iklik dito/here para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islamikong pananaw tungkol sa sekswal na paglihis.]

Ang Paraan ng Pag-aasawa

Habang ang konsepto ng pagtatagpo ay hindi umiiral sa Islam at pagtatalik sa labas ng kasal ay ipinagbabawal, ang Islamikong paniniwala ng pag-aasawa ay kinikilala ang pangangailangan na matukoy ang pagkakatugma sa pagitan ng dalawang ikakasal. Halimbawa, nang ipapakasal na ang kanilang panganay na babae, si Sarah, ang Siddiq ay tiniyak na siya at kanyang katipan ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag-usap sila ng sarilinan subalit may nakamasid mula sa layo na hindi sila naririnig bago ang magkabilang panig ay makapangako. Kapag sila ay nagkasundo nang magpakasal, ang dalawa ay patuloy na mag-uusap sa pamamagitan ng telepono at email.

Ang mapapangasawa ay pinipili sa magkakaibang paraan. Ang ilang mga pag-aasawa, katulad ng kay Sarah, ay “ipinagkasundo”. Ang iba naman ay nahahanap ang kanilang sariling mga kabiyak sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa isat-isa, katulad ng nangyari kay Muhammad Uthman at ng kanyang kabiyak, si Eman, na nakilala sa kampus at nagsimulang magkagusto sa isat-isa. Sa lahat ng ito, nakatuon sa madaliang hangarin na makapag-asawa. Sa ganitong paraan, ang Islam ay nagsisikap na panatilihing buhay ang diwa ng kasal: ang pag-iisang dibdib hindi lamang sa dalawang magka-ibang mga tao, bagkus sa kanilang magkakaibang mga pananaw, kanilang natatanging mga pinagmulan at ganundin ang lawig ng kanilang mga pamilya; isang pangakong ihahabing magkasama ang buhay na hanggang ngayon ay makahiwalay, umaasang magtagumpay, at ipagpatuloy ang pamana.

Salungat sa mga kilalang paniniwala, ang Islam ay hindi inako ang sapilitang pag-aasawa sa anumang kasarian; katunayan, ang kasal ay kulang kung walang dagliang pagsang-ayon ang parehong nobya at nobyo. Ang nakasanayan, ang ipinagkasundong pag-aasawa sa Islam ay tumutukoy sa paraan na kung saan may ikatlong partido na ipakikilala ang dalawang pamilya sa isat-isa na may anak na ang edad ay maaari ng ikasal.

Ang kasal ay pagdiriwang na kasama ang buong pamilya at mga kaibigan na maaaring tumagal ng ilang araw ayon sa kung ano ang nakasanayang nilang kultura. Subalit ang diwa ng pagpapakasal ay nakasalalay sa kasunduan ng kasal na nilagdaan ng dalawang magkasintahang ikakasal pagkatapos ng berbal na pahayag na magpapakasal sa isat-isa, na pinangangasiwaan ng dalawang saksi. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag na “nikah” at pinagtitibay nito ang dalawa bilang mag-asawa. Ang pagdiriwang pagkatapos ng kasal ay tinatawag na “walima” na pinangangasiwaan ng asawang lalaki, bilang nakagawian ni Propeta Muhammad ﷺ.

Pag-aasawa: Kaugnay na mga Paksa

Nakakatuwa, ang nakasanayan na pagpapalit ng apelyido ng babae sa apelyido kanilang asawa na patuloy parin na umiiral sa maraming mga bansang Muslim, subalit ang mga kababaihang Amerikanong Muslim na nagsasabuhay ng Islam ay dumarami ang pinipili nilang panatilihin ang kanilang apelyido sa pagkadalaga, nauunawaang kahit sino pa man ang kanilang pakasalan, ay pinakamainam pa ring sila ay manatiling anak ng kanilang ama. Kinuha nila ang kanilang pagpapasya mula sa mga sumusunod na salita ni Propeta Muhammad ﷺ:

“Kayo ay tatawagin sa Araw ng Pagbabangong-muli sa inyong pangalan at pangalan ng inyong mga ama…”

Ang mga kababaihan sa panahon ng Propeta, kabilang ang kanyang mga asawa, ay kilalang lahat sa pangalan ng kanilang mga ama, hindi ng kanilang mga asawa. Bilang pagsunod sa tradisyong ito, si Mary Kief ay nagpasyang panatilihin ang kanyang apelyido pagkatapos ng kasal ng walang anumang pagtutol mula sa kanyang asawa.

Karagdagan pa, sa Islam, ang asawang babae ay malayang ariin ang kanyang kinikita dahil ang asawa niya ang inaasahang gugugol para sa mga gastusin sa tahanan at pamilya. Sa katunayan, bagama’t maraming mag-asawa ang nanatiling pinagsasama ang pera nila sa banko at naghahati sa mga gastusin sa tahanan ng magkatulong. Ang diborsyo, datapwat hindi kanai-nais, ay isang katotohanang nangyayari sa lipunan na tanggap at isinabatas. Ang asawang babae o lalaki ay maaaring humingi ng diborsyo, na ang pagsasaayos ay inaabot ng mga buwan na may mga tagapamagitan mula sa magkabilang-panig sa pag-asang maaayos pa ang samahan bago paman makarating sa huling pagpasya.

Poligamya

Bagaman ang poligamya ay isinasagawa ng minorya sa mga kamusliman, ito sa anumang paraan ay pangkaraniwan na. Ang Islam ay nagpapahintulot sa mga kalalakihan na makapag-asawa hanggang apat sa isang pagkakataon at ang ganitong kaugalian ay higit na laganap sa ilang kultura kumpara sa iba. Kapag ang lalaki ay pinili na magkaroon ng higit sa isang asawa, siya ay dapat na makitungo sa kanilang lahat ng makatarungan. Ang Qur’an ay nagsalaysay:

“… mag-asawa ng kababaihan na inyong napupusuan, dalawa, tatlo o apat; subalit kung natatakot kayo na baka hindi ninyo kaya na makitungo ng makatarungan [sa kanila], magkagayun [mag-asawa lamang ng] isa…” [Maluwalhating Qur’an 4:3]

Ang walang limitasyon na poligamya ay nakasanayan sa ibat-ibang kultura, datapwat sa Islam ay binigyan ito ng hangganan para maging makatao, kinikilala ang ibat-ibang mga dahilan, katulad ng mataas na bilang ng kababaihan sa ilang mga bansa, ang sanhi ng digmaan at mataas na bilang ng namamatay na kalalakihan sa lipunan, at nagbibigay ng lihitimo at pananggalang lunas laban sa kasamaan ng pangangalunya sa lipunan.

Pagpapatuloy ng Lahi

Ang pagkakaroon ng mga anak ay kadalasang pangkaraniwang kasunod na hakbang sa maraming Muslim na mag-asawa bagama’t ang ilan ay piniling maghintay ng ilang taon bago magkaanak samantalang ang iba naman ay hindi magawa ito – na ang kadalasang nangyayari sa mga tao lahat ng panig ng mundo. Ang pagbibigay ng pangalan sa bata ay naging usaping pampamilya na kasali pa ang mga lolo at lola minsan, samantalang ang ilang mag-asawa ay piniling sila na lang ang magpangalan sa anak nila. Sa ikapitong araw ng pagsilang, isang pangrelihiyong pag-aalay ng pagkatay ng hayop ang isinasagawa at ang ulo ng sanggol ay aahitan, ang katumbas na timbang ng buhok sa halaga ng pilak ay ibibigay sa kawanggawa. Ang pagdiriwang na ito ay tinawag na “aqiqah”, na pwede rin gawin sa ika-14, ika-21, ika-28 at iba pang araw ng pagsilang ng sanggol.

Kamag-anak

Ang Qur’an ay paulit-ulit na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga ng ugnayang pagkakamag-anak. Dalawang halimbawa:

“At ibigay ang karapatan ng pagkakamag-anak.” [Maluwalhating Qur’an 17:26]

“Sambahin si Allah at huwag magtambal ng anuman sa Kanya sa pagsamba, at gumawa ng mabuti sa mga magulang, kamag-anak…” [Maluwalhating Qur’an 4:36]

Si Propeta Muhammad ﷺ ay nag-utos din ng katulad:

“Sinuman ang naniniwala kay Allah at sa Huling Araw ay dapat na panatilihin ang mabuting ugnayan sa kanyang kamag-anak.”

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…