Sa halip na magkubli sa ilalim ng kumot malapit sa painitan sa panahon ng matinding lamig ng panahon, si Sabeel Ahmed ay ginawa ang mismong kabaliktaran. Ang taga Chicago na Muslim ay nagpasyang suungin ang taglamig at mag-alok ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.
Pinasigla ng halimbawa ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] na nagwikang;
“Hindi siya mananampalataya na kumakain sa kabusugan habang ang kanyang kapitbahay ay nagugutom.” [Bukhari]
Si Ginoong Sabeel ang kanyang asawa, si Asma ay nagpakalat ng 40 sulat-kamay na liham sa malalapit na mga kapitbahay na may mensaheng:
“Ako at ang aking pamilya ay nakahanda kung kailangan ninyo ng tulong para bumili ng mga pangangailangan, gamot o para magtanggal ng niyebe.”
Ang liham ay naglalaman rin ng paanyaya sa tahanan ng pamilya ng lima para “sa mainit na tsaa at samosa [masarap na miryenda]”. Ang liham rin ay nagpaabot ng walang kondisyong tulong. Ang anak na babae ni Sabeel, si Zainab, ay gumawa ng mensahe sa bidyong nag-aalok ng tulong na ipinaskil sa YouTube.
Tatlong kapitbahay ang tumugon sa liham. Ang isang babae ay nangailangang mamili, na pinamili at ibinigay ng libre ni Ginoong Sabeel at kanyang asawa. Ang isa pang babae ay gustong magpaalis ng niyebe, kaya siya at kanyang anak ay masiglang tumulong. Ang panghuling kapitbahay ay humiling ng ilang tulong pinansiyal, na natugunan.
Bilang Punong Direktor ng organisasyong Gain Peace, si Sabeel Ahmed ay bihasa sa mga maling pagkaunawa ng mga tao na mayroon sa Islam at mga Muslim. Siya ay umaasa na maturuan ang kanyang mga kapitbahay sa pamamagitan ng kanyang mga ginagawa at pananalita tungkol sa kapayapaan, pagmamalasakit, at pagtulong na hinihikayat ng Islam sa lahat ng tagasunod nito na ipamuhay.
“Ang pagtulong sa mga kapitbahay ay malaking bahagi ng Islam,” wika ni Ginoong Sabeel.
“Maraming mga pagkakatulad na mayroon tayo bilang mga tao, bilang Amerikano at bilang tao ng pananampalataya. Umaasa ako na nabasag na ang harang at umaasa akong mayroong pang mga ugnayang magagawa… at ang mga kapitbahay ay ipagpatuloy ito, parang isang mumunting alon na tuloy-tuloy.”
Ang epekto ng pinasimulan ni Ginoong Sabeel ay nagkaroon ng maningas na pusong katugunan. Simula ng ang balita ng kanyang pakikipag-kapitbahay na pagtulong ay kumalat, ang katugunan na kanyang natanggap ay nag-uumapaw. Ang kanyang mga anak ay nagulat sa pagsahimpapawid nito sa pambansang pahayagan. Ilan sa kanyang mga kapitbahay ay nag-email sa kanya na may layunin ring tumulong sa mga kapitbahay. Ang ibang mga Muslim ay nakipag-ugnayan sa kanya na nagsasabing sila ay napukaw ng kanyang halimbawa at naglalayon na gawin din ang gayun sa kanilang mga kapitbahay. Si Ginoong Sabeel, kanyang pamilya, at ibang mga pamilyang Muslim ay nagtipon-tipon at gumawa ng ‘Mabiyayang Supot’ na puno ng mga pangunahing pangangailangan para ipamigay sa mga walang tahanan sa kanilang lokal.
Hinikayat ni Ginoong Sabeel ang lahat ng mga Muslim na higit maging aktibo sa kanilang lugar para ipahatid ang isang positibong pagbabago sa mga sinasabi tungkol sa Islam at mga Muslim sa lipunan.
“Kailangan nating tiyakin na higit pang mga di-Muslim ang makaalam sa positibong mga gawain ng mga Muslim, para sa gayun ay mabuksan ang kanilang mga puso patungo sa Islam.”
Si Ginoong Sabeel Ahmed ay nagpayo sa mga di-Muslim na huwag hatulan ang Islam sa pamamagitan ng mga gawi ng iilang ligaw na tao, o sa ipinapahayag ng medya. Magbasa ng kopya ng Qur’an, pag-aralan ang banal na buhay ni Propeta Muhammad ﷺ makipag-ugnayan sa inyong mga kapitbahay na mga Muslim, o bumisita sa masjid sa inyong lugar. “Dito ay makikita ninyo ang Islam na naninindigan para sa katarungan, pagkakaisa, at kabutihan.”