Ang Rasismo – Dahil Isang Muslim, Inaglahi ng Taong Palaboy, Hinanapan Niya Ito ng Trabaho at Tirahan Bilang Tugon
Si Aminur Chowdhury mula sa Bradford, England ay kinutya sa pagiging Muslim ng isang taong palaboy na si Ben Gallon subalit sa kabila nito si Aminur ay nagpasya na kausapin siya at anyayahan ng maiinom kasama siya.
Sinabi ni Aminur:
“Noong una ay umiwas na lamang ako, ngunit hinamon ko si Ben patungkol sa sinabi niya sa akin, ako ay tumigil at nakipagtalakayan sa kanya ng humigit kumulang na 15 minuto.”
Matapos kausapin si Ben, sinabi ni Aminur na maaari niya itong tulungan na makahanap ng trabaho at nagpalitan ng kontak ang dalawa. Noong una, inakala ni Ben na naging mabait lamang ito tungkol sa alok ng trabaho ngunit ayon sa kanya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanya kinabukasan para sa isang interbyu sa trabaho sa negosyo ng kaibigan nito:
“Nang sumunod na araw, tinawagan niya ako, at sinabi na ‘maaari ba kitang sunduin Ben, may nakuha akong interbyu para sayo’. Nitong parehong araw, pumunta siya para sunduin ako, inihatid sa lugar sa Canal Road at makalipas lamang ang sampung minuto, ay inalok na ako ng trabaho.”
Hindi doon tumigil si Aminur, tinulungan din niya itong makahanap ng paupahang bahay sa Bradford.
Si Ben, na ngayon ay nagsisisi sa kanyang mga nagawa, at ani Ben:
“Walang katuwiran para gamitin ko ang mga salitang iyon. Mabuhay, para sa kanya sa pagpapatawad sa akin, pinagsisisihan ko ito. May positibong bagay na nangyari mula sa kaganapang ito.”
“There was no justification for me using those words.. Kudos to him for forgiving me, I regret it. A positive thing has happened out of this situation.”
“Natutunan ko na ang aking aral. Ang nasabi ko ay talagang hindi sumasalamin sa akin, hindi ako isang rasista.”
“Ang mga bagay ay nagsisimula nang luminaw para sa akin. Nagsimula na ako sa trabaho at hindi pa rin ako makapaniwala.”
Pinaliwanag ni Aminur kung ano ang nag udyok sa kanya na tumugon sa ganoong paraan:
“Ako ay naging tampulan ng pang-iinaglahi ngunit ang isang dakilang paraan para malampasan ang rasismo ay ang magpakita ng pagpaparaya. Napagtanto ko na hindi ko kayang itama ang buong mundo ngunit kaya kong subukang pangaralan ang mga tao.”
“Ito ay isang dakilang paraan ng pagtuturo sa mga Asyano sa kalakhang Bradford kung paano tumugon sa rasismo. Sa pagdami ng pagmamahal na iyong ipinakikita, mas lalo silang mapapamahal sa iyo.”
Ilan sa mga pinakamalalang kaguluhan na dulot ng pang-aaglahi na naganap sa Bradford noong 2001 sa pagitan ng malaki at lumalaking Asyanong Briton na komunidad at lungsod ng mayoryang mga puti, na nagdulot ng 300 opisyal ng pulis ang nasaktan at 297 na naaresto. Ang magkabilang panig ng mga kalalakihang ito ay parehong umaasa na ang positibong kuwentong ito ay makakatulong para mapaunlad ang ugnayan ng ibat-ibang lahi at tao ng mga relihiyon sa komunidad.
Tunay na ang kuwentong ito ay isang malaking aral para sa ating lahat at pinagningning ang pinakamainam na paraan ng pagkuha sa puso ng mga tao – mabuting ugali. Ang Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay ganundin nakuha ang puso ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang mabuting ugali at maraming tao ang yumakap sa Islam dahil doon.