Ano ba ang sinasabi nila kay Propeta Muhammad?
Bago Natin Simulan ang ating “A to Z ni Muhammad ﷺ” – Tingnan Natin Kung Ano Ang Sinasabi Ng 12 Tanyag Na Tao Tungkol Kay Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya) Sa Nagdaang Maraming Taon…
Ang kanyang buong talambuhay ay napagtibay at kumalat sa mga pantas sa buong mundo simula noong nabubuhay pa siya at nagpatuloy hanggang ngayon. Isa sa unang halimbawa ay ating sinipi mula sa Encyclopedia Britanica, na pinatotohanan nito:
(Patungkol kay Muhammad ﷺ) “… ang napakaraming detalye sa mga naunang pinagkukunan ay nagpapakita na siya ang mapagkakatiwalaan at matuwid na tao na umani ng paggalang at pagsang-ayon ng iba na kagaya niyang matatapat at matutuwid na tao.” [Vol.12]
Isa pang kahanga-hangang pagkilala kay Propeta Muhammad ﷺ ay nasa napakahusay na panulat ni Michael H. Hart, “The 100: A Ranking of the Most Influential Persons in History.” Siya ay nagpahayag na ang pinakamaimpluwensiyang tao sa kasaysayan ay si Muhammad ﷺ, na sinundan ni Hesus. Suriin ang kanyang aktwal na mga salita:
“Ang pagpili ko kay Muhammad na manguna sa talaan ng pinakamaimpluwensiyang tao sa buong mundo ay maaaring ikagulat ng ilang mambabasa at maaaring tanungin ng iba, subalit tanging siya lamang ang tao sa kasaysayan na pinakamatagumpay sa parehong pangrelihiyon at sekular na antas.”
Ayon sa Qur’an, si Propeta Muhammad ﷺ ang pinakamahusay na huwaran para sa lahat ng sangkatauhan. Kahit mga di-Muslim na mananalaysay ay kinilala siya na isa sa pinakamatagumpay na personalidad sa kasaysayan. Basahin ang isinulat ni Reverend R. Bosworth-Smith sa “Mohammed & Mohammedanism” noong 1946:
“Pinuno ng bansa at ganundin ng Simbahan, siya ay ang Caesar at Papa [sa Roma] na pinag-isa; subalit, siya ang papa na hindi nag-angkin na papa, at Caesar na walang mga kawal ng Caesar, walang nakatayong mga sundalo, walang mga tagapagbantay, walang palasyo, walang buwis sa tao. Kung mayroon man tao na may karapatang magsabi na siya ay namuno sa pamamagitan ng Banal na Karapatan, ito ay si Muhammad, dahil nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan ng walang mga kagamitan at walang tulong nito. Hindi siya naghangad ng damit ng kapangyarihan. Ang kanyang pribadong pamumuhay na payak ay nanatili sa kanyang pampublikong pamumuhay.”
Habang binabalikan natin ang mga pahayag mula sa mga tanyag na di-Muslim patungkol kay Propeta Muhammad ﷺ ay bigyang pansin natin ito:
“Pilosopo, mananalumpati, apostol, mambabatas, mandirigma, mananakop ng mga kaisipan, nanghahawak sa makatuwirang mga aral, ng kulto na walang mga imahe; ang tagapagtatag ng dalawampung panlupang imperyo at isang espiritwal na imperyo, yan si Muhammad. Sa pagsaalang-alang ng lahat ng pamantayan upang masukat ang kadakilaan ng tao, maitatanong natin, mayroon pa bang tao na hihigit pang dakila sa kanya?”
At pagkatapos ay babasahin natin ang sinabi ng tanyag na manunulat at di-Muslim na si George Bernard Shaw:
“Nararapat siyang tawagin na Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Ako’y naniniwala na kung ang taong katulad niya ay pamumunuan ang diktatorya sa makabagong daigdig, siya ay magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin nito sa paraang magdadala ng higit na kinakailangang kapayapaan at kaligayahan.”
Pagkatapos ay natagpuan natin na si K. S. Ramakrishna Rao, isang Indiano [Hindu] propesor ng Pilosopiya, sa kanyang librito na “Muhammad ﷺ ang Propeta ng Islam” ay tinawag siyang “perpektong huwaran para sa buhay ng tao.” Si Propesor Ramakrishna Rao ay ipinaliwanag ang kanyang punto sa pagsasabi ng:
“Ang pagkatao ni Muhammad, ito ay ang pinakamahirap na makuha ang buong katotohanan nito. Tanging isang sulyap dito ang makukuha ko. Ang madamdaming pagpapalitan ng animo’y larawan ng mga tagpo. May Muhammad na Propeta. May Muhammad na Mandirigma; Muhammad na Mangangalakal; Muhammad na Pinuno; Muhammad na Mananalumpati; Muhammad na Tagapagpabago; Muhammad na Tagapangalaga ng mga Ulila; Muhammad na Tagapagtanggol ng mga Alipin; Muhammad na Tagapagpalaya ng mga Babae; Muhammad ang Hukom; Muhammad ang Banal. Lahat-lahat itong mga kahanga-hangang tungkulin, sa lahat ng mga sangay ng mga gawain ng tao, siya ay katulad ng bayani.”
Ano ang dapat nating isipin sa ating Propeta Muhammad ﷺ kapag ang isang tanyag sa mundo na katulad ni Mahatma Gandhi, ay nagsalita ng tungkol sa pag-uugali ni Muhammad na nagsabi sa ‘Young India’:
“Nais kong malaman ang pinakamainam ng isang humahawak ngayon na walang pag-aalinlangang sumakop sa mga puso ng milyon-milyong mga tao… Ako ay higit pang nakumbinsi na hindi espada ang nagwagi ng lugar para sa Islam sa mga araw na yaon sa pamamaraan ng buhay. Ito ay ang napakasimple, ang ganap na pagpapakumbaba sa sarili ng Propeta, ang napakaingat na pagtupad sa kanyang mga pangako, ang kanyang matinding debosyon sa mga kaibigan at mga tagasunod, ang kanyang kawalan ng takot, ang kanyang katapangan, at kanyang lubusang pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang sariling misyon. Ang mga ito at hindi espada ang nagdala sa lahat ng bagay sa kanila at napangibabawan ang bawat hadlang. Nang aking isara ang pangalawang aklat ng [the Prophet’s biography], Ako’y nalungkot na wala na akong hahanapin pa para sa akin upang makabasa pa ng dakilang buhay.”
Ang Ingles na may-akda na si Thomas Carlyle sa kanyang ‘Heroes and Hero Worship’, ay napahanga siya:
“Paano ang isang tao na mag-isa, ay mapagkakasundo ang magkalabang tribu at mga nagkalat na mga Bado sa isang pinakamalakas at sibilisadong nasyon sa loob lamang ng kumulang na dalawang dekada.”
At si Diwan Chand Sharma ay nagsulat sa “The Prophets of the East”:
“Si Muhammad ay espiritu ng kabaitan, at ang kanyang impluwensya ay nararamdaman at hindi kailanman nakalimutan ng mga taong nakapaligid sa kanya.”
Si Propeta Muhammad ﷺ ay hindi hihigit sa isang nilikhang tao, subalit siya ay isang tao na may dakilang misyon, na napagkaisa ang sangkatauhan sa pagsamba sa Isa at Tanging Isang Diyos at turuan sila sa daan ng katapatan at matuwid na pamumuhay ayon sa mga utos ng Diyos. Palagian niyang tinutukoy ang kanyang sarili na, ‘Lingkod at Sugo ng Diyos’ at ganun nga sa bawat ginagawa niya ay nagpapatunay.
Sa usapin ng aspeto ng pagkakapantay sa harapan ng Diyos sa Islam, ang tanyag na manunula ng India, si Sarojini Naidu ay nagsabi:
“Ito ay unang relihiyon na nangaral at nagsagawa ng demokrasya; dahil, sa masjid, sa oras ng pagtawag ng pagdarasal ay narinig at ang mga mananamba ay nagkatipon na, ang demokrasya ng Islam ay kumakatawan sa limang ulit sa isang araw kapag ang magsasaka at ang hari ay lumuluhod ng magakakatabi at isinisigaw: ‘Si Allah ay Dakila’… Ako ay napupukaw ng paulit-ulit nitong hindi mahahating pagkakaisa ng Islam na ginagawang magkakapatid ang mga tao ng pantay-pantay.”
Sa mga salita ni Propesor Hurgronje:
“Ang liga ng mga nasyon ay itinatag ng Propeta ng Islam na inilagay ang prinsipyo ng pangkalahatang pagkakaisa at kapatiran ng tao sa pundasyong unibersal bilang pagpapakita ng liwanag sa ibang nasyon.” Siya ay nagpatuloy, “sa katotohanan na walang nasyon sa mundo ang makapagpapakita ng katulad ng ginawa ng Islam patungo sa katuparan ng ideya ng Liga ng mga Nasyon.”
Si Edward Gibbon at Simon Ockley, sa ang pagpapahayag ng ISLAM, ay nagsulat sa “History of the Saracen Empires”:
“AKO AY NANINIWALA SA ISANG DIYOS, AT SI MUHAMMAD, AY PROPETA NG DIYOS’ ay ang simple at hindi mababagong pagpapahayag ng Islam. Ang matalinong imahe ng Diyos ay hindi kailanman naibababa ng anumang nakikitang idolo; ang karangalan ng Propeta ay hindi kailanman lumagpas sa sukatan ng mga katangian ng tao; at ang kanyang panuntunan ng pamumuhay ay pinigilan ang pagpuri ng kanyang mga disipulo sa loob lamang ng hangganan ng katuwiran at relihiyon.”
Si EWolfgang Goethe, marahil ang pinakadakilang manunula na taga Europa, ay sumulat ng tungkol sa Propeta Muhammad. Siya ay nagsabi:
“Siya ay propeta at hindi manunula at magkagayun ang kanyang Qur’an ay makikita bilang Banal na Batas at hindi bilang aklat ng tao, na ginawa para sa edukasyon o libangan.”