Ang paglalarawan ng Qur’an sa mga Bundok
Ang aklat na pinamagatang “Earth” ay itinuturing na pangunahing batayan pangteksto sa maraming mga pamantasan sa buong mundo. Isa sa mga nag-akda ng aklat na ito ay si Frank Press. Siya ay kasalukuyang Pangulo ng Academy of Science sa Amerika. Siya ay dating tagapayong pang-agham sa Pangulong Jimmy Carter ng Amerika. Ang kanyang aklat ay nagsasabing ang mga bundok ay may mga nakabaong ugat. [p.435]
Ang mga ugat na ito ay nakabaon ng malalim sa lupa. Kaya ang mga bundok ay may hugis na katulad ng talasok o tulos na makikita sa mga halimbawa sa pahina 220 sa parehong aklat. Isa pang paglalarawan ay nagpapakita kung paano ang mga bundok ay katulad ng hugis tulos, dahil sa kanilang malalim na mga ugat. [p.158]
Ganito ang Qur’an isinalarawan ang mga kabundukan. Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an:
Hindi ba namin ginawa ang lupa na nakalatag, at ang mga kabundukan bilang tulos?
[Maluwalhating Quran 78:6-7]
Ang makabagong agham panglupa ay nagpatunay na ang mga bundok ay may malalim na mga ugat at ang mga ugat na ito ay aabot ng ilang ulit ang haba sa kanilang taas sa ibabaw. Kung kaya ang karapat-dapat na salita para isalarawan ang mga kabundukan ayon sa mga impormasyon na ito ay ang salitang ‘talasok o tulos’, dahil karamihan ay maayos ang pagkakalagay na tulos ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang kasaysayan ng agham ay nagsasabi sa atin na ang teorya sa mga bundok na mayroong mga malalalim na mga ugat ay naipakita lamang sa huling kalagitnaan ng ika-labingsiyam na siglo.
[Geological Concept of Mountains p.5]
Ang kabundukan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapatatag ng balat ng lupa.
[Geological Concept of Mountains pp. 44-45]
Pinipigilan nito ang pagyanig ng kalupaan. Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an:
At itinayo Niyang matatag ang mga bundok sa lupa upang hindi gagalaw kasama ninyo… [Maluwalhating Quran 16:15]
Katulad din ng makabagong teorya ng tektonika ng mga plato [ng daigdig] ay naniniwala na ang mga bundok ay nagsisilbing tagapagpanatili para sa lupa. Ang kaalamang ito para sa ginagampanan ng mga bundok bilang tagapagpanatili ng kalupaan ay nagsimula lamang na maintindihan sa balangkas ng tektonikang mga plato [ng daigdig] simula noong hulihan ng 1960’s.
[Geological Concept of Mountains p. 5]
Maaari bang sa panahon ni Propeta Muhammad ﷺ ay malaman ang tunay na hugis ng mga bundok? Maaari bang ang isang tao ay maisip na ang solidong napakalaking bundok na nakikita niya sa kanyang harapan, ay katunayan na may mga ugat na nakabaon ng malalim sa lupa, katulad ng sinasabi ng mga siyentipiko? Ang napakaraming bilang ng mga aklat sa heolohiya kapag tinatalakay ang mga kabundukan, ay isinasalarawan lamang ang bahaging nasa ibabaw ng lupa. Ito ay dahil ang mga aklat na ito ay hindi isinulat ng mga dalubhasa sa heolohiya. Ganunpaman, ang makabagong heolohiya ay pinagtitibay ang katotohanan ng mga talata ng Qur’an.
Paano ang tungkol sa tubig na tumatakip sa kalupaan? May iba pa bang bakas na nakatago sa ilalim ng karagatan?