Isa sa kamangha-manghang merakulo ng Qur’an ay ang pagtatalakay nito ukol sa Serebrum, Ano nga ba ito? Ano ang gawain ng bahaging ito mula sa ulo ng tao?
Ang Diyos ay nagsabi sa Qur’an tungkol sa isa sa mga masasamang di-mananampalataya na humadlang sa Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] mula sa pagdarasal sa Ka’bah [Banal na Masjid]:
Hindi! Kapag hindi siya tumigil, kakaladkarin Namin siya sa Naseyah [noo], isang sinungaling, makasalanang Naseyah [noo]! [Maluwalhating Quran 96:15-16]
Relasyon sa pagitan ng harapan ng ulo at pagkahilig ng isa sa kasinungalingan at kasalanan
Bakit isinalarawan ng Qur’an ang noo na isang sinungaling at makasalanan? Bakit hindi sinabi ng Qur’an na ang tao bilang sinungaling at makasalanan? Ano ang kaugnayan sa pagitan ng noo at pagsisinungaling at pagiging makasalanan?
Kung titingnan natin ang loob ng bungo sa harapan ng ulo [noo], matatagpuan natin ang pinakaharapang bahagi ng Serebrum, sa lugar na tinatawag nating noo.
Ano ang sinasabi ng pisyolohiya sa atin tungkol sa ginagampanan ng Serebrum?
Ang aklat na pinamagatang ‘Essentials of Anatomy & Physiology’ ay nagsabi tungkol sa bahaging ito:
“Ang pagbubuyo at pagbabalak at pagpasimuno ng pagkilos ay nangyayari sa unahang bahagi ng harapang umbok, ang pinakaharapang bahagi. Ito ang rehiyon ng asosasyong korteks…”
Ganundin ang aklat ay nagsabi ding:
“Kaugnay sa kinalaman nito sa pagbubuyo, ang pinakaharapang bahagi ay ipinapalagay din sa pagiging sentrong pinagmumulan ng kapusukan…”
Kaya ang lugar na ito ng Serebrum ay responsable sa pagbabalak, pagbubuyo, at pagpapasimuno ng mabuti o masamang gawi, at responsable sa pagsasabi ng kasinungalingan at pagsasabi ng katotohanan. Kaya, ito ay angkop para sa pagsasabi ng mga kasinungalingan at pagsasalita ng katotohanan. Kaya, tamang isalarawan ang noo bilang sinungaling at makasalanan kapag ang isang tao ay nagsinungaling o nagkakasala, katulad ng sinabi sa Qur’an:
… ang sinungaling, makasalanang Naseyah [noo]! [Maluwalhating Quran 96:16]
Ang mga siyentipiko ay natuklasan lamang ang mga ginagampanang ito ng pinakaharapang bahagi sa nakaraang animnapung taon, ayon kay Professor Keith L. Moore. [Scientific Miracles in the Front of the Head p. 41]