Home Mga Tanong Allah Saan Nga Ba Nanggaling Ang Diyos?

Saan Nga Ba Nanggaling Ang Diyos?

Saan Nga Ba Nanggaling Ang Diyos?

Saan nanggaling ang Diyos? Ano ang Kanyang pinagmulan?


Kapag pinag-uusapan kung saan nga ba nanggaling ang Diyos? Kapwa ang Biblia at ang Qur’an ay nagsasabi sa atin na ang Diyos ay palaging umiiral at hindi kailanman nagkaroon ng panahong Siya ay hindi umiral. Kung kaya, Siya ay Walang Hangganan, walang simula at walang katapusan. Siya ay tanging tagapaglikha at tagapagtustos ng lahat ng mga umiiral at walang anuman at walang isaman ang umiiral kasama Niya, ni Siya ay may mga katambal. Sinasabi Niya sa atin, Siya ay hindi nilikha, ni Siya ay katulad ng Kanyang nilikha sa anupaman. Tinatawag Niya ang Kanyang Sarili sa ilang mga pangalan at ang tatlo dito ay:

  • Ang Una – (Al-Awal)
  • Ang Huli – (Al-Akhir)
  • Ang Walang Hanggan at ang Nag-iisang dulugan ng Kanyang nilikha habang Siya ay walang anumang pangangailangan sa kanila. (As-Samad)
  • Siya ay hindi tao at Siya ay walang pinanggalingan o anak.
  • Siya ay hindi anupaman sa Kanyang nilikha ni Siya ay maihahambing dito..

Siya ay laging umiiral at Siya kailanman ay hindi nilikha ni katulad nito sa anumang paraan.

Si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay nagpaliwanag na ang demonyo ay darating sa isang tao at tatanungin sila ng mga katanungan tungkol sa paglikha; “Sino ang lumikha nito at yaon?” at ang sagot ay dapat na; “Allah” hanggang siya ay magtatanong; “Sino ang lumikha kay Allah?” At sa pagkakataong ito ang propeta ay nagpayo sa atin na itigil ang ganitong nakasanayang pag-iisip. Maliwanag, na ang Diyos – ang totoong Diyos, ay dapat na walang hanggan at hindi kailangang likhain.

Ang Qur’an ay nagsasabi sa ating:

Allah!, La ilaha illa huwa [walang Diyos kundi Siya], ang Buhay, ang Tagapag-aruga. Hindi Siya natatangay ng antok ni ng pagkatulog. Kanya ang anumang nasa mga kalangitan at ang anumang nasa kalupaan. Sino kaya ang makapamamagitan sa Kanya malibang pahintulutan Niya? Nalalaman Niya ang hinaharap nila at ang nakaraan nila. Wala silang matatalos sa anuman mula sa kaalaman Niya maliban sa ninais Niya. Nasaklawan ng luklukan Niya ang mga langit at ang lupa. Hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Pinakadakila. [Maluwalhating Qur’an 2:255]

Ang talatang ito ay tunay na nagpapakita sa malawakang paglalarawan ng Diyos sa paraan na walang pagtatangkang ilarawan Siya sa pamamagitan ng paghahambing sa Kanya at sa Kanyang nilikha, bagkus sa pagiging Lubos sa lahat ng Kanyang mga Katangian at Katayuan.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…