Home Pangunahin Ramadan at Eid Sabihin Oo para sa Ramadan! Ang Nauusong Gabay ng Muslim

Sabihin Oo para sa Ramadan! Ang Nauusong Gabay ng Muslim

Sabihin Oo para sa Ramadan! Ang Nauusong Gabay ng Muslim

Ang Islamikong Buwan ng Pag-aayuno – Paano ito Nagsimula?

Ang Ramadan, ika-9 na buwan sa Islamikong kalendaryo, ay napagtibay bilang Banal na Buwan para sa mga Muslim, pagkatapos na ang Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] sa pangyayari na kilala bilang Laylat Al-Qadr, kadalasang isinasalin bilang “Gabi ng Kapangyarihan”.

Pagtitika sa Ramadan ay itinakda sa Qur’an, na ang Makapangyarihang Diyos ay nagwika:

“ANG BUWAN NG RAMADAN [ay ang buwan] NA IBINABA ROON ANG QUR’AN BILANG GABAY PARA SA MGA TAO AT MALINAW NA KATIBAYAN MULA SA PATNUBAY AT BATAYAN.” [Maluwalhating Qur’an 2:185]

Sa kadahilanang ang pag-ikot ng kalendaryong lunar ay hindi kagaya ng kalendaryong solar, ang petsa ng Ramadan ay nagbabago ng halos 11 araw kada taon, na tinatapos ng pagdiriwang ng Eid.

Ang Nauusong Pag-aayuno – Isang Nakagawian Ng Mga Muslim

Ang pag-aayuno ay ang pangunahing dahilan sa Ramadan. Sa buwang ito, ang mga Muslim ay nag-aayuno mula sa madaling araw hanggang paglubog ng araw, walang pagkain o tubig. Bago ang madaling araw sila ay may Suhor o pagkain bago ang madaling araw. Sa paglubog naman ng araw, mga kapamilya at mga kaibigan ay nagtitipon para sa Iftar na siyang hain na pinagsasaluhan ng mga Muslim para tapusin ang pag-aayuno.

Ang pag-aayuno ay ang pinakabagong uso nang ang mga gurung pangkalusugan ay nakaisip sa pahinto-hintong diyeta na pag-aayuno. Ang mga tagapagturong pangkalusugan, dalubhasang pangkalakasan at mga tagapagsanay ay nagsimulang ipangaral ito. Mayroong mga nutrisyunista at mga medikong lupon ang pinag-aralan ang tungkol sa pag-aayuno at Ramadan ng detalyado. Ang Canadian Medical Association Journal ay nagkakaisa na mayroong malalaking bahagi ng pananaliksik na umaayon sa benipisyong pangkalusugan ng pag-aayuno.

Pagbabago ng Pamumuhay – Ang Islamikong Paraan

Ang pinakabagong nauuso ay kabilang ang pagbabago ng pamumuhay. Paggising bago ang pagsikat ng araw, pagsali sa pagsasanay na pangkalakasan at pagkatapos ay pag-inom ng tubig, kasunod ng marahang pagkain ng agahan, na kung saan ay iiwanan ang isang bahagi ng iyong sikmura na walang laman. Pagkatapos ay mag-aayuno ng 7-9 oras at kakain ng isang beses mga ilang oras bago matulog.

Kung pag-aaralan mo ng detalyado ang ganitong kasanayan, ay mapagtatanto mong ITO ay pamamaraan ng isang Muslim sa pagsisimula ng maghapon. Ramadan o hindi Ramadan, ang mga Muslim ay gumigising ng madaling araw, magdarasal at sisimulan ang kanilang araw-araw na gawain.

Isa sa pinakamahalagang prinsipyo ng mabuting kalusugan ay isang balanseng diyeta. Si Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] ay binigyang-diin ang kasanayan ng pagkain ng kaunti bilang isang paraan ng pag-iwas sa mga karamdaman at mga sakit. Siya ay nagwika,

“Ang anak ni Adan ay hindi nilalamnan ang anumang sisidlan ng labis maliban sa kanyang sikmura. Sapat na para sa anak ni Adan na kumain ng ilang subo, para panatilihin siyang kumikilos. Kung talagang dapat niyang gawin ito [lamnan ang kanyang sikmura], magkagayun hayaan siya na lamnan ang unaang ikatlong bahagi ng pagkain, ang ikalawang ikatlong bahagi ng inumin at huling ikatlong bahagi ay hangin.”

Mga Bagay Na Hindi Mo Batid Tungkol Sa Ramadan

1. Ang pag-aayuno ay para sa espiritwal at pisikal na kabutihan. Ito ay nagkakaloob ng isang mas malusog at kaganapan ng buhay. Bagay na ang mga Muslim ay batid na, mahigit 1400 taon ang nakalipas.

2. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga bagay na ipinagbabawal para sa loob ng 30 araw, ang Ramadan ay nakakatulong sa mga Muslim na tanggalin ang masasamang nakagawian kagaya ng paninigarilyo at paninirang-puri.

3. Ang mga Muslim ay tinatapos ang kanilang pag-aayuno sa pamamagitan ng mga bunga ng datiles na mayaman sa mga bitamina, mga mineral, pruktosa at dekstros, lahat na kinakailangan para sa malusog na katawan.

Mga Katotohanang Pangkalusugan

Si Dr. John Berardi, hepeng opisyal ng agham ng Precision Nutrition, sa kanyang panayam sa laktaw-laktaw na pag-aayuno ay nagbigay-diin sa katotohanan na ang pag-aayuno ay makakatulong para pigilan ang dyabetis, pampababa ng timbang, pagpigil ng kanser at pampalusog ng utak.

Pagkaing Pang-ayuno at Pananaba

Ang pananaba ay nangungunang dahilan ng kamatayan sa buong mundo na mapipigilan, na lumalala sa mga nasa sapat na gulang at mga pananaba, kahit ngayon sa mga papaunlad na bansa. Ito ay lumalabas na isa sa mga pinakadelikadong suliranin ng pampublikong kalusugan ng bansang ito.

Si Mohammad Yawar Yakoob, Kagawaran ng Nutrisyon, Harvard School of Public Health, sa Boston, USA, ay nagsagawa ng pagsisiyasat kung saan natagpuan niya na bago pa at pagkatapos na pag-aaral sa pananaba ng indibidwal sa Ehipto ay nagpakita ng kakaibang pagbuti sa pangkalahatang kalusugan at kaayusan. Kagaya rin sa ibang pag-aaral sa matatabang babae na may type 2 na dyabetis sa Algeria, ang pag-aayuno ay nagbunga ng kapuna-punang pagbuti sa glucose homeostasis.

Ang Ramadan ay pamamaraan ng Diyos na sabihin sa ating maaari para sa atin na umiwas sa hindi malusog na pamumuhay. Kung tayo ay mamuhay sa paraang ipinamuhay ni Propeta Muhammad ﷺ, walang pananaba sa mundong ito.

Datiles Kaninuman?

Ang mainam na paraan para sa isang Muslim sa paghinto ng pag-aayuno ay sa pamamagitan ng bunga ng datiles. Ang bunga ng datiles ay mayaman sa mga bitamina, mga mineral, pruktosa at dekstros, lahat na kinakailangan para sa isang malusog na katawan. Hamak na mas malasa at masustansya kaysa isang bara ng Mars o Snickers.

Mga Gawing Nagtitipon ng Lakas

Bilang mga tao, batid natin na kung ang isang bagay ay ginagawa ng paulit-ulit sa loob ng 4 na linggo, ito ay magiging gawi at mananatili sa iyo habambuhay. Kaya ang Ramadan ay isang pinakatumpak na panahon para iwanan ang masasamang gawi kagaya ng paninigarilyo, labis na paglamon, hindi pangkaraniwang oras ng pagtulog atbp. Maaaring ito na ang simula ng isang bago, papabuti at higit na mahusay na pamumuhay.

Ito ay mula sa lubos na pag-ibig para sa Diyos na tayo ay nagkaroon ng malakas na hangarin at pag-iwas mula sa legal na mga bagay [kagaya ng pagkain, pakikipagtalik sa asawa]. Ito ay nagpapakita lamang na kung magagawa nating umiwas mula sa ipinahihintulot na mga bagay, magkagayun gaano na lang kadali na umiwas mula sa mga masasamang gawi [kagaya ng pagsisinungaling, pandaraya, panlilibak, pagkakalat ng tsismis atbp.]. Mayroon tayong sapat na kakayahan at may sapat na lakas para mapagbuti ang ating mga sarili sa pinakamainam na maaaring paraan.

Ramadan – Ang Buwan ng Qur’an

Ang Ramadan ay buwan ng Qur’an. Ipinapayo rito na basahin ng madalas ang Qur’an sa buwang ito. Ang mga di-Muslim na may kakayahang mag-isip ng makatuwiran at umunawa ng mga bagay ay nararapat na subuking basahin ang Qur’an ng kahit isang beses sa kanilang buhay. Ang Qur’an ay nagkakaloob ng ganap na patnubay sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Sila ay maraming matututunan mula rito.

Mahalagang Paglilinaw

Ito ay mahalaga na linawin na ang mga Muslim ay hindi nag-aayuno dahil sa pangkalusugang kadahilanan. Ang mga Muslim ay nag-aayuno ayon sa banal na utos na nakatala sa Qur’an. Ang pag-aayuno ay naging makasaysayan nang naitatag na pangkaraniwang isinasagawa ng ibat-ibang mga relihiyosong pamayanan [halimbawa, sa panahon ng kuwaresma ng mga Kristiyano at sa Yom Kippur ng mga Hudyo].

Si Allah ay nagpahayag,

O MGA SUMASAMPALATAYA, ISINATUNGKULIN SA INYO ANG PAG-AAYUNO GAYA NG PAGSASATUNGKULIN NITO SA MGA NAUNA SA INYO NANG HARINAWA KAYO AY MANGILAG MAGKASALA. [Maluwalhating Qur’an 2:183]

Pinakadiwa

Ang pag-aayuno ay lahat patungkol sa espiritwal at pisikal na kaayusan. Ito ay makakatulong sa iyo na mamuhay ng higit na mahaba, higit na malusog at masayang buhay. – Isang katotohanan na ang mga Muslim ay batid na mula pa sa nakalipas na libong mga taon. Kung kaya Muslim o di-Muslim, ating salubungin ang Ramadan at mag-ayuno sa daan patungo sa isang malusog, sariwa, nauusong pagbabago sa sarili.

Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…