Hajj- Paganong Pagsamba sa isang Itim na Bato o diyos na Buwan?
“Mga Kasinungalingan Laban Sa Islam”
1. Bakit ang mga Muslim ay nagdarasal sa isang itim na kuwadrado sa disyerto ng Makkah!
2. Bakit nila hinahalikan ang isang itim na batong nakadikit sa itim na kuwadrado!
Ang mga Muslim ay sumasamba lamang sa Isang Diyos, walang anumang diyos bukod sa Kanya. Ito ay parehong Diyos ni Abraham sa Biblia, sa parehong pagpapahayag na binanggit sa Aklat ng Exodo at Deuteronomo sa Sampung Utos, “Huwag magkaroon ng iba pang diyos bukod sa Akin.”
Ang “Itim na Bato” Ay Nakakabit Sa Ka’bah – Isang Hugis Parisukat Na Gusali Sa Sagradong Lugar Ng Makkah
Ating siyasatin ng malapitan ang kuwadradong gusaling Ka’bah [Banal na Bahay] sa Makkah, sa Arabya, kung saan sa Silangang kanto nakalagay ang Itim na Bato ay nakasaayos na singtaas ng dibdib. Ang bawat panauhin [Hajji] ng Makkah ay nagnanais na makahalik dito sa sandaling dumating sila doon. Ang pagsasagawa nito ay hudyat ng pagsisimula ng “Tawaf”.
Ang katagang “Tawaf” ay isang Arabeng pandiwang pangngalan na nangangahulugang umikot, lumibot o paikutin ang isang bagay. Ang isang Hajji [panauhin ni Allah sa Makkah] ay kailangang ikutin ang Ka’bah ng pitong ulit, para makumpleto ang Tawaf. Ang bawat isa sa pitong pag-ikot ay nagsisimula sa paghalik sa Itim na Bato, kung makakayanan, o kaya ay pagturo na lamang sa Itim na Bato. Ang Itim na Bato, magkagayun ay nagsisilbing tanda ng pagsisimula sa bawat pag-ikot. Ang Tawaf ay isa sa mahalagang bahagi ng Hajj [pagdalaw sa Makkah], na maaari ding isagawa bilang hiwalay na gawang pagsamba sa anumang oras. Kung kaya matatagpuan natin ang Ka’bah ay tuloy-tuloy na iniikutan ng mga tao sa araw at gabi.
Ang Tunay Na Kahalagahan Ng Tawaf [paglalakad paikot sa Ka’bah]
Ang paglibot o pag-ikot sa Ka’bah [kilala rin bilang Bahay ni Allah] at paghalik sa bato ay katotohanang itinuturing na panlabas na aspeto ng Tawaf, bukod sa panloob na kahigitan nito. Ang mga ito ay kawangis ng bagay na kagaya ng pagtayo, pagyukod, pagpapatirapa at pag-upo na posisyong ginagawa araw-araw sa Islamikong pagdarasal. Gayunman, ang mga posisyon sa pagdarasal, gayundin ang pag-ikot sa Ka’bah na may kasamang paghalik, ay parehong kumakatawan sa panlabas na ipa ng palay, na nangangalaga sa butil. Ang butil ng Tawaf ay nakasalalay sa mga dakilang kahulugan ng pagbigkas at pagdarasal ng Hajji, sa kaluluwang nag-aalab na damdaming nag-uumapaw sa kanyang puso – kagaya ng kanyang masidhing pag-ibig kay Allah, kanyang takot sa Kanya, at lubos niyang pag-asa sa Kanya.
Ating suriin, halimbawa, ang salita ng Kaisahan ng Diyos, na binabanggit ng Hajji sa kanyang buong Hajj at lalo’t higit kung siya ay umiikot sa Ka’bah
Labbayk-Allahumma labbayk, Labbayka la sharika laka labbayk, Innal hamda wan-ni’mata, Laka wal mulk la sharika lak
Narito ako, O Allah narito ako, Narito ako wala kang katambal narito ako, Tunay ang papuri at biyaya, Sa Iyo ang pagmamay-ari wala Kang katambal sa Iyo.
Ang Tawaf ay ginagawa lamang para sa Kataas-taasang Diyos ng santinakpan [Allah], at hindi kailanman sa pangalan ng ibang diyos, o para sa itim na bato, kagaya ng inaangkin ng ibang tao. Ang pagkilos sa Tawaf ay ang pagsunod sa pangako ng isang Hajji sa kanyang Panginoon. Ginagawa niya ito bilang isang mananampalataya sa Natatanging Isang Diyos ni Abraham at ni Adan at ni Moises at ni Hesus at ni Muhammad, sumakanilang lahat ang kapayapaan. Ang pagsamba sa Islam ay para lamang kay Allah at wala ng iba. Ang paghalik sa bato o pagturo dito habang umiikot sa Ka’bah ay walang iba kundi pagsunod lamang sa tradisyon ng mismong Propeta [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], na nagpaliwanag na hindi ang bato o buwan o anumang bagay ang dapat sambahin, bagkus ang lahat ng ating pagsamba, debosyon at pasasalamat ay dapat lamang para sa Makapangyarihang Diyos [Allah].
Maaari Ba Na Ang Isang Bato Ay Maging Diyos?
Isaalang-alang ito, noong si Propeta Muhammad ﷺ sa wakas ay nakamit ang daang papasok papunta sa kanyang bayang sinilangan pagkatapos na sapilitang itaboy palabas sa halos isang dekada, ang una at tanging bagay na ginawa niya ay tanggalin at wasakin ang 360 mga idolo at estatwa na nangibabaw sa lugar sa maraming siglo. Matapos na mawasak lahat ng mga huwad na ‘diyos’ ang Propeta ﷺ at kanyang mga kasamahan ay tiniyak na makakarating sa susunod na mga henerasyon pagkatapos nila, na sambahin lamang ang Isang Diyos na hindi nakakulong sa isang kahon o isang bato o anumang bagay, saanman sa santinakpan. Ito ay kagaya sa matatagpuan pa rin natin ngayon sa Biblia para sa mga Hudyo at Kristiyano, noong si Haring Solomon ay inialay ang kanyang templo sa Diyos, na nagwikang “Ang langit at ang langit ng mga langit ay hindi Ka magkasya, gaano pa kaya ang bahay na ito na ginawa namin sa pamamagitan ng kamay ng tao?” Walang inukit na imahe para sa mga Hujjaj [pangmaramihan ng Hajji o panauhin ni Allah] para sambahin ang nasa Ka’bah o ang nasa Haram [santuwaryo] o saan man sa mundong ito.
Ang mga Muslim ay sinasamba ang Diyos lamang, bilang Nag-iisa. Ang pagsamba sa anuman o kaninumang iba bukod kay Allah – ang pinakamasama at mapaglapastangang krimen sa Islam. Sa liwanag ng ipinahayag ng Qur’an, ang pagsamba sa anumang bagay sa halip na sa Makapangyarihang Diyos, o paggawa ng mga katambal sa pagsamba sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga bagay kagaya ng isang malaking bato, isang patpat, maliit na bato, isang buto o anumang bagay sa santinakpan, ang kailanman na pinakahuling bagay na maiisip ng sinumang sumasamba sa Isang Diyos [Muslim]. Ang isang bato ay walang anumang kapangyarihan na gumawa ng mabuti o makapinsala sa kaninuman, bukod kay Allah, ang Tanging Diyos ng sangkatauhan. Yaong isang bagay na itinatampok maging ito ay nababatid man, o sa kamangmangan o sinisimbolo – ng mga taong pinili ang pagsamba sa bato sa halip na pagsamba sa Diyos, isang paniniwala at gawaing walang kabanalan at walang katuturan. Kung kaya ang Itim na Bato ay naging isang misteryo sa kagaya nila, kaya naman, ang ilan bunga ng kamangmangan ito ay ang hayagang pagsisinungaling sa pagsasabing si Muhammad ﷺ ay binasag ang bawat idolo sa Islam maliban sa isa – ibig sabihin ang Ka’bah, o ang Itim na Bato.
Ito nga noong si Umar ang pangalawang Khalifa, ay tinanggal ang anumang pagdududa mula sa kanilang mga isipan. Si Umar ay ginawa itong malinaw para sa lahat ang tungkol sa itim na bato, habang umiikot sa Ka’bah, siya ay lumapit sa kanto kung saan naroon ang itim na bato at sumandal malapit dito at nagwika:
“Walang alinlangan, batid ko na ikaw ay walang iba kundi isang bato at hindi ka makakapaminsala o makapagbibiyaya sa kaninuman. Kung hindi ko nakita ang Propeta Muhammad ﷺ na hinalikan ka, ako ay hindi hahalik sa iyo.” [Sahih Al-Bukhari]
Tunay Na Kwento Ng Itim Na Bato
Mahigit limang libong taon na ang nakalipas, ang ama ng mga Propeta, si Propeta Abraham [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya], ay itinayo ang kasalukuyang estraktura ng Ka’bah na mismong utos ni Allah. Itinayo niya ito kasama ang kanyang binatilyong anak, si Ismael [sumakanya ang kapayapaan], ang ninuno ng mga Arabe. Ganito inilarawa ng Qur’an noong itinatayo nila ito ng magkasama:
“Banggitin noong itinaas ni Abraham ang mga pundasyon ng Bahay [Ka’bah], kasama si Ismael, ay nanalangin siya: “Panginoon Namin, tanggapin Mo ang gawang ito mula sa amin; tunay na Ikaw nga ang Nakaririnig, ang Nakaaalam” [Maluwalhating Qur’an 2:127]
Ang ama at ang anak, mga tunay na mananampalataya sa Nag-iisang Diyos at sumusuko sa Kanya sa pamamaraang nais Niya [Muslim], sa ganitong pamamaraan itinatayo ang pundasyon na may pusong nanginginig, dahil para sa mga Muslim ay pinakadebotong lingkod, labis ang pagkatakot sa Kanyang hindi pagkalugod. Habang itinatayo ang Ka’bah, samakatuwid, pareho silang natatakot na baka si Allah ay hindi tanggapin ang kanilang mga abang paglilingkod, kaya ang kanilang mga dasal. O anong makabagbag damdaming katapatan, o anong nakakaantig ng damdaming pagpapakumbaba tungo kay Allah ang Dakila! Ito ang diwa ng Monoteismo, ang ulirang huwaran ng Pananampalataya at mga gawang malalaki at maliliit para sa lahat ng mga Muslim upang sundan. Noong maitaas sa pakay na taas, si Abraham ay inutusan ang anak na pumili ng isang pirasong bato para maging pananda sa isang punong-kanto. Kahit ang binatilyo ay naghahanap pa lamang dito, ang Anghel Gabriel ay nagpakita na may dalang Itim na Bato mula sa Langit.
Si Propeta Muhammad ﷺ ay nagwika:
“Ang Itim na Bato ay ibinaba mula sa langit, noon ito ay higit na maputi kaysa gatas, ngunit ang kasalanan ng mga tao ang nagpaitim nito”
Si Abraham ay dinampot ang itim na bato at inilagak ito, at magmula noon ay nakatayo pa rin hanggang sa mga araw na ito. Ito ay makalangit na bato, at hindi galing sa lupa. Ito ay pinili ni Allah para sa Kanyang Banal na Bahay [Ka’bah].
Ang gusali ay ganyan natapos, ganito kung paano si Abraham at Ismael ay nagpatuloy sa panalangin kay Allah, sa kasunod na Talata:
“Banggitin noong iangat ni Abraham ang mga pundasyon ng Bahay [Ka’bah], kasama si Ismael, ay nanalangin siya: “Panginoon Namin, tanggapin Mo ang gawang ito mula sa amin; tunay na Ikaw nga ang Nakaririnig, ang Nakaaalam” [Maluwalhating Qur’an 2:128]
Kapagdaka ay tinuruan sila ni Allah sa pamamagitan ng kapahayagan ng mga ritwal ng Hajj, kabilang dito ang Tawaf.
Kasaysayan Binigyang-linaw Isang Pambihirang Anyo
Ipagpalagay na ang Itim na Bato ay mawala sa isang dahilan o anuman, ito ba ay ginagawa ang Tawaf at Hajj na walang bisa o hindi tanggap sa ganung kadahilanan? Katiyakan hindi. Ganito mismo ang nangyari sa kasaysayan ng Islam. Sa ganyang pangyayari, ang Shari’ah [batas] ay pinanatiling sa Hajji ay nararapat na isagawa ang kanyang Tawaf kahit walang Itim na Bato. Sa halip na Itim na Bato, ang Hajji ay nararapat na hawakan na lang ang lugar nito sa kanto ng Ka’bah, o ituro ang lugar nito, at magpatuloy ng Tawaf. Kung kaya ang ganap na kawalan ng Bato mismo ay walang pagkakaiba sa pagiging tanggap ng Tawaf at ng Hajj.
Ang Paghalik Ba Ay Nangangahulugang Pagsamba?
Ang paghalik sa isang bato ay hindi isang tanda ng pagsamba dito kailanman. Ang paghalik sa Itim na Bato ay hindi maaring baluktutin patungo sa pagsamba sa idolo, para sa bato na walang imahe, gaya din na ang paghalik lamang ay hindi pagsamba sa pamamagitan ng isang imahinasyon lamang. Sinuman ay maaaring magparatang na ang mga Muslim ay sinasamba ang isang ‘idolo’. Subalit ang katotohanan ay nananatili na sila ay hindi sumasamba sa anuman maliban sa Diyos, ang Natatangi. Ang idolo at pagsamba dito ay payak na hindi talaga nangyayari. Ang Biblia ay hinahalikan sa mga korte; ito ba ay nangangahulugan na pagsamba? Karagdagan pa, ang mga magulang ay minamahal nilang halikan ang kanilang mga anak, walang anumang bakas ng pagsamba dito kailanman.
Paanyaya Sa Islam
Ito ang pamanang iniwan ni Propeta Abraham [sumakanya ang kapayapaan] para sa lahat ng salinlahi na tanggapin at sundin, at walang tao ng anumang bansa o nasyon, ang hindi saklaw sa salinlahi na iyan. Kung kaya, sa halip na ituring ang tungkuling Hajj [pagdalaw sa Makkah] bilang isang paganong ritwal, bakit hindi isaalang-alang ang kanilang sarili sa napakatagal ng idolatrya, at tanggapin at sundan ang relihiyon ng ating ninunong si Abraham? Ang oras ay dumating na para sa mga taong ito na isigaw ang kanilang sariling kalayaang pumili,
“Walang Diyos na Dapat sambahin kundi ang Makapangyarihang Diyos!”
At tayo ay manalangin sa Makapangyarihang Diyos, hilingin sa Kanya na gabayan sila at hayaang makapagsagawa ng Hajj [pagdalaw sa Makkah] sa Bahay ng Diyos [Ka’bah]! At itayo ang kanilang pagdarasal ng tuloy-tuloy na nakaharap sa parehong Bahay! Ameen.