Ang Talambuhay ni Propeta Muhammad ﷺ
Si Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya) ay isang hindi nakapag-aral subalit matalino at taong kagalang-galang na ipinanganak sa Makkah sa taong 570 C.E., sa panahon na ang Kristiyanismo ay hindi pa lubos na matatag sa Europa. Ang kanyang unang mga taon ay natandaan sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Simula ng mamatay ang kanyang ama bago pa man siya ipinanganak, ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib, mula sa mga iginagalang na tribu ng Kurays, ay kinupkop siya.
At sa pagbibinata ni Muhammad ﷺ, siya ay nakilalang mapagkakatiwalaan, mapagbigay at tapat, kung kaya’t siya ang hinihingan ng tulong dahil sa kanyang kakayahang mamagitan sa mga sigalot. Ang kanyang reputasyon at sariling mga katangian ay siya ring naging tulay sa kanyang pag-aasawa, sa edad na dalawanpu’t lima, kay Khadija, isang balo na tinulungan niya sa pangangalakal. Dahil dito, siya ay naging isang mahalaga at mapagkakatiwalaang mamamayan ng Makkah. Ang mga mananalaysay ay isinalarawan siya bilang mahinahon at mapagnilay-nilay.
Si Muhammad ﷺ ay hindi naging palagay na bahagi ng pamayanan na ang kaugalian ay itinuturing niyang hindi tama ayon sa pagpapahalaga ng relihiyon. Nakasanayan niya na magpunta sa kuweba ng Hira, upang mapag-isa at magnilay-nilay malapit sa tuktok ng Jabal al-Nur, ang “Bundok ng Liwanag”, malapit sa Makkah.
At sa edad na 40, habang nag-iisang nagnilay-nilay, si Muhammad ﷺ ay tumanggap ng unang kapahayagan mula sa Diyos sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ang kapahayagang ito na nagtuloy-tuloy ng dalawampu’t limang taon ay nakilala bilang Qur’an, ang matapat na talaan ng buong kapahayagan ng Diyos. Ang unang kapahayagan ay mababasa na:
“Basahin: Sa ngalan ng iyong Panginoon na Siyang lumikha sa tao mula sa namumuong dugo. Basahin: Ang Iyong Panginoon ay Pinakamarangal, Siya na nagturo ng panulat, tinuruan ang tao sa mga bagay na hindi niya alam.” [Maluwalhating Quran 96: 1-5]
Ito nga ang katotohanang ito ang sa kanya ay dahan-dahan at tuloy-tuloy na dumating para matutunan at paniwalaan, hanggang kanyang mapagtanto ng lubos na ito nga ang buong katotohanan.
Ang unang yumakap sa paniniwala niya ay si Khadijah, na ang kanyang pagtulong at pagdamay ay nagkaloob ng kinakailangang katiyakan at lakas. Nakuha din niya ang pagtulong ng ilan niyang kamag-anak at mga kaibigan.
Ang tatlong pangunahing tema ng mga unang mensahe ay:
- Ang kamaharlikaan ng isa natatanging Diyos.
- Ang kawalang-saysay ng pagsamba sa idolo ang babala sa paghuhukom.
- At ang pangangailangan ng pananampalataya pagdadamayan at karangalan sa ugnayan ng mga tao.
Ang lahat ng mga tema na ito ay nagtatalaga ng pagtuligsa sa walang saysay na materyalismo at idolatrya na palasak sa Makkah sa panahong yaon. Kung kaya’t nang siya ay magsimulang magpahayag ng mensahe sa ibang mga taga Makkah ay tinanggihan siya. Siya at ang kanyang maliit na grupo ng mga tagasunod ay dumanas ng malupit na paniniil, na lumala pa ng napakatindi sa taong 622 C.E., ang Diyos ay nag-utos sa kanila na mangibang-bayan. Ang pangyayaring ito, ang Hijra [pangingibang-bayan], na sila’y nilisan ang Makkah patungo sa lungsod ng Madinah, mga 260 milya sa hilaga, na tanda ng bagong panahon at na yaon ang pasimula ng kalendaryong Muslim. Sa panahon ng kanyang pagpapakasakit, si Muhammad ﷺ ay kumuha ng kapanatagan mula sa kaalaman na ipinahayag sa kanya patungkol sa mga ibang propeta, katulad nina Abraham, Jose, at Moises, na bawat isa sa kanila ay dumanas din ng paniniil at pagsubok.
Pagkatapos ng ilang taon at ilang mga mahahalagang labanan, ang Propeta ﷺ at kanyang mga tagasunod ay nakabalik sa Makkah, na kanilang pinatawad ang kanilang mga kaaway at itinatag ang Islam ng may kaganapan. Sa panahon na ang Propeta ﷺ ay namatay, sa edad na 63, ang malaking bahagi ng Arabya ay yumakap na sa Islam, at sa loob ng isandaang taon ng kanyang kamatayan, ang Islam ay kumalat na hanggang sa malayong kanluran sa Espanya at hanggang sa malayong silangan ng Tsina. Maliwanag na ang mensahe ay hindi para lang sa mga Arabo; ito ay para lahat ng sangkatauhan.
Ang kawikaan ng Propeta ﷺ [hadith], ay kapahayagan din. Ang bilang ng mga kawikaan na naipon ng kanyang mga tagasunod at mga pantas ay malapit sa 10,000 na kabuuan. Ang ilan sa mga halimbawa ng kanyang mga kawikaan ay ang mga sumusunod:
“Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat mananampalataya [lalaki at babae].” [Ibn Majah]
“Ang pagtanggal ng sagabal mula sa daan ay isang kawanggawa.” [Bukhari at Muslim]
“Silang hindi nagpapakita ng kabaitan at pagmamahal ay hindi makakaasa ng kabaitang ipakikita sa kanila.” [Bukhari]
“Sambahin si Allah [Diyos] na para mo Siyang nakikita; kahit hindi mo Siya nakikita, bagamat katiyakang nakikita ka Niya.” [Bukhari at Muslim]
Kahit pa si Muhammad ﷺ ay labis na minamahal, iginagalang at tinitingala ng mga Muslim bilang pangwakas na Sugo ng Diyos, siya ay hindi pinag-uukulan ng pagsamba.