“Walang alinlangan, sa pag-alaala kay Allah ang puso ay makakatagpo ng kapayapaan!” [Qur’an 13:28]
Ang RelihiyongIslam ay pangkat ng mga ordinaryong tao na may masidhing pag-ibig sa katotohanan, dalisay na Islam at ang mensaheng hatid nito – kapayapaan, pagsuko, pagpapasakop sa Makapangyaring Diyos – Allah. Kami ay mga Pilipinong Muslim at kami ay nagsisikap na ipakita ang kagandahan ng relihiyong ito sa lahat ng naghahanap ng patnubay.
Dahil ang pagkatakot sa Islam ay laganap sa kasalukuyan sa lahat ng sulok ng mundo, nakikita namin ito bilang napakahalaga na ipakilala kung ano talaga ang Islam, at ano ang pananaw at gawi ng mga sumusunod dito, tungo sa kanila na mga bukas ang puso.
Kami ay nagsisikap na ilapit ang Islam sa pamayanang Pilipino at buksan ang pinto sa kanila na nais maging Muslim.
Hiniling namin kay Allah na ipakita sa amin ang katotohanan bilang katotohanan at gabayan kami na sundin ito at ipakita sa amin ang kamalian bilang kamalian at igabay kami na iwasan ito.
Pangkat ng RelihiyongIslam