Home Pangunahin Islam Ang unang haligi ng Islam “Shahadah”

Ang unang haligi ng Islam “Shahadah”

Ang unang haligi ng Islam "Shahadah"

Ang unang haligi ng Islam ay ang maniwala at ipahayag ang pananampalataya sa pagsasabi ng Shahada [pagsaksi], na kilala bilang Kalima.

La ilaha illa Allah; Muhammadar-rasul Allah.

‘Wala ng ibang diyos maliban kay Allah; at si Muhammad ay Sugo ni Allah.’

Ang kahulugan ay higit na mauunawaan sa Tagalog sa pagsasabi ng wala ng ibang diyos na dapat sambahin sa lahat ng nilikha, tanging ang Tagapaglikha lamang ang dapat sa anumang pagsamba.

O sabihin nating: “Sambahin ang Tagapaglikha – Hindi ang Kanyang mga Nilikha.”

Pagpapahayag

Ang pagpapahayag na ito ay naglalaman ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tumutukoy sa Makapangyarihang Diyos, ang Tagapaglikha ng lahat, ang Panginoon ng mga Daigdig; ang pangalawang bahagi ay tumutukoy sa Sugo, Muhammad ﷺ isang propeta at nilikhang tao, na tumanggap ng kapahayagan sa pamamagitan ng Arkanghel Gabriel, at itinuro sa sangkatauhan.

Hindi Ibang Mga Diyos

Sa taus-pusong pagsasabi ng Shahada ang Muslim ay kinikilala si Allah bilang tanging Tagapaglikha ng lahat, at ang Pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay at anumang nasa santinakpan. Dahil dito ang mga Muslim ay isinasara ang kanyang puso’t isip sa katapatan, debosyon at pagsunod, pagtitiwala, pag-asa, at pagsamba ng anuman o kaninuman bukod pa kay Allah. Ang pagtatakwil na ito ay hindi lamang nakatuon sa mga diyos at diyosa ng pagano na kahoy at bato na nilikha ng kamay ng tao at kathang-isip; ang pagtatakwil na ito ay dapat na sumasaklaw sa lahat ng iba pang mga kuro-kuro, mga pamahiin, mga idolohiya, pamamaraan ng buhay, at kinikilalang kapangyarihan nag-aangkin ng debosyon, katapatan, pagtitiwala, pagmamahal, pagsunod o pagsamba. Kasama dito, halimbawa, ang pagtatakwil ng paniniwala sa mga pangkaraniwang bagay katulad ng astrolohiya, pagbasa ng guhit ng palad, pampa-swerteng mga bagay, panghuhula at pangkukulam, karagdagan sa pagdarasal sa mga dambana o libingan ng mga santo, paghiling sa mga kaluluwa ng namatay na mamagitan para sa kanila at kay Allah. Walang tagapamagitan sa Islam, o anumang uri ng mga Imam o katulad nito; ang Muslim ay nagdarasal ng direkta at tanging kay Allah lamang.

Paniniwala sa Pagkapropeta

Ang paniniwala sa pagkapropeta ni Muhammad ﷺ ay kasama ang paniniwala sa gabay na dala niya na nilalaman ng kanyang Sunnah [trandisyon ng kanyang mga sinabi at ginawa], at tungkulin ng Muslim ang layunin na sundin ang kanyang gabay ng taus-puso. Si Muhammad ﷺ ay isa lamang na nilikhang tao, isang taong may damdamin, na kumakain, umiinom at natutulog, at isinilang at namatay, katulad ng ibang tao. Siya ay may dalisay at matuwid na kalikasan, kakaibang pagkamatuwid, at walang pag-aalinlangang pananampalataya kay Allah at panata sa Islam, subalit hindi siya banal. Ang mga Muslim ay hindi nagdarasal sa kanya, kahit na bilang tagapamagitan, at ang mga Muslim ay kinasusuklaman ang katagang “Mohammedan” at “Mohammadanismo”.

  • Pagharap sa Pamilya: Buhay ng Bagong Muslim

    Pagharap sa Pamilya: Buhay ng Bagong Muslim

    Sa lahat ng mga bagong Muslim, maligayang pagyakap sa Islam at nawa’y gantimpalaan kayo ni…
Load More Related Articles
Comments are closed.

Check Also

Bakit Sasambahin Ang Diyos?

Kapag nakamalas tayo ng kakaibang pagpapakita ng kakayahan ng isa sa ating mga bayani sa p…