Ang sikat na mang-aawit na si Sinead O’Connor ay may bagong relihiyon at bagong pangalan. Ang artista, na mas kilala sa kanyang pinasikat na 1990 pabalat ng tugtoging “Nothing Compares 2 U”, ngayon ay ibinibilang ang sarili sa halos 2 bilyong Muslim sa buong mundo at kinuha ang pangalang Shuhada’ Davitt.
Nakasuot ng mahabang manggas na kamiseta at isang belo, tinatawag na hijab, ang bagong yakap ay tinanggap ang Islam sa Sentrong Islamiko ng Irlanda sa ilalim ng pamamatnubay ni Shaykh Dr. Omar Al-Qadri. Pagkatapos bigkasin ang Shahada, na Islamikong pagpapahayag ng pananampalataya, si Davitt ay nagpahayag din na iginagalang niya ang lahat ng pananampalataya, kabilang ang Kristiyanismo, ngunit inulit niya na “Ang aking pamamaraan ng buhay, aking relihiyon, ay Islam.”
Pagpapatuloy ng Buhay sa Kanyang Pananampalataya
Maraming matututunan sa pagyakap ni Davitt sa Islam. Siya ay nagpunyagi ng mga taon sa kanyang sariling Katolikong pananampalataya at nagpatuloy sa paghahanap ng kaalaman at saliksikin ang katotohanan. Ang kanyang pag-aaral at matalinong pangangatuwiran ang nag-akay sa kanya sa Islam na nagpapakita ng katotohanan ng mga aral nito at kapayapaan at kaligayahang dala nito sa mga yayakap dito bilang kanilang pansariling pananampalataya.
Simula ng ipahayag ang kanyang pagyakap, si Davitt [na dating O’Connor] ay ipinahayag kung paano siya pumasok sa Islam, na kanyang isinalarawan bilang, “Ang likas na konklusyon ng anumang matalinong teolohiyong paglalakbay. Ang lahat ng pag-aaral ng kapahayagan ay mag-aakay sa Islam.” Ito ay susog sa Islamikong aral na ang kapahayagang Qur’an ay pinatunayang lahat ng kapahayagang dumating bago ito sa pamamagitan ng mga piniling Sugo ng Diyos kagaya nila Moises, David at Hesus na nagdala ng Tawrah, Salmo at Ebanghelyo, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang Diyos ay pinatunayan ito sa Qur’an,
Sabihin, ‘Naniniwala kami kay Allah at sa ibinaba sa amin at sa ibinaba kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Hakob, sa mga lipi ni Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Hesus at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila; hindi tayo nagtatangi-tangi sa sinuman sa kanila at sa Kanya tayo ay mga Muslim [Nagsisisuko].” [Maluwalhating Qur’an 3:84]
Sa katunayan, sa buong Qur’an ang Diyos ay hinikayat tayo na gamitin ang ating talino at pangangatuwiran kapag nagninilay tayo sa ating Tagapaglikha, sa kalikasan ng mundong ito at kahit ang ating mismong pag-iral. Sinasabi ng Diyos na ang paggamit ng katuwiran at paghahanap ng kaalaman ay ang mag-aakay sa atin sa katotohanan tungkol sa Islam at, umaasang, sa Paraiso.
“TUNAY NA SA PAGKALIKHA NG MGA LANGIT AT LUPA AT PAGSASALITAN NG GABI AT ARAW AY TALAGANG MAY MGA TANDA PARA SA MGA MAY PANG-UNAWA.”
[Maluwalhating Qur’an 3:190]
Simula ng pinatotohanan ang kanyang pagyakap, si Davitt ay niyakap din ng pamayanang Muslim sa buong mundo na nagpadala sa kanya ng mga mensahe ng pagbati at pagmamahal sa pamamagitan ng twitter.
Nagpahayag siya kung gaano kahalaga ang gawaing ito sa kanya, na sumulat ng,
Maraming salamat sa lahat ng aking mga kapatid na Muslim na naging napakabuti sa pagtanggap sa akin sa Ummah [nasyon] ngayon sa pahinang ito. Hindi ninyo masisimulang maisip kung gaano kahalaga ang inyong pagkagiliw para sa akin.
Si Davitt ay naglabas din ng mga larawan ng kanyang sarili na nakasuot ng hijab, na natatakpan ang kanyang buhok at leeg. Wika niya na siya ay niregaluhan ng kanyang unang hijab at nagpahayag na “sobra-sobrang saya.”
Tumayo ng Matatag sa Harap ng Pambabatikos
Sa kasamaang-palad, bilang Muslim at lalo na bilang bagong yakap, si Davitt ay dumanas na ng ilang pagsubok na pangkaraniwan na sa mga tumatalima sa Islam. Sa Twitter, ang mang-aawit ay inilarawan ang kanyang ilang maagang mga pakikibaka.
Ang tanging Irlandes na hindi nang-abuso sa akin sa pagyakap ko sa Islam ay ang aking matalik na kaibigan, si Elaine.
Inilarawan din ni Davitt ang nakaharap na “isang babaeng may mahabang buhok na olandes na mayroon ng masamang pagkiling na nagtanong sa akin sa loob ng 20 minuto kung bakit ginusto kong magsuot ng hijab. Ngunit ang kanyang mahabang buhok ay kagaya lang din ng isang Kanluraning bersyon ng hijab! Inisip ko na kalbuhin ito kung ikaw ay talagang laban sa hijab.”
Gayunman, si Shuhada’ ay hinarap ang kanyang bagong natagpuang pananampalataya na may kaginhawahan sa harap ng panliligalig, na nagpaskil sa Twitter ng sumusunod na talata ng Qur’an:
“Talagang may nangutya na sa mga sugo noong wala ka pa ngunit pinaligiran ang mga nangungutya sa mga iyon ng pagdurusang kanilang kinukutya noon.” [Maluwalhating Qur’an 6:10]
Tingnan Kung Anong Pumukaw Sa Kanyang Pagyakap Para Sa Iyong Sarili
Maaari mong tanungin ang iyong sarili, ano ba ang maaaring nasa Qur’an o sa kanyang pagsasaliksik ng Islam na talagang kumausap sa kanya o nagawa siyang humakbang para yumakap sa Islam.
Sa Qur’an, ang Diyos ay inaanyayahan tayo na samahan ang mga matutuwid at magmuni-muni sa mga aral na dinala mula sa lahat ng Kanyang mga propeta at sugo. Ang Diyos ay nagwika,
“WALANG IBA ANG BUHAY NA MAKAMUNDO KUNDI PAGLALARO AT PAGLILIBANG, SAMANTALANG ANG TUNAY NA TAHANANG PANGKABILANG-BUHAY AY HIGIT NA MAINAM PARA SA MGA NANGINGILAG MAGKASALA. KAYA HINDI BA NINYO NAUUNAWAAN?” [Maluwalhating Qur’an 6:32]
Magsagawa ng inyong sariling pagsasaliksik! Tingnan ang Qur’an at ang mga aral ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] para matuklasan ang paraan ng buhay kagaya ng ipinakita sa pamamagitan ng Islam. Maaaring kagaya ng parehong mga pananaw na pumukaw kay Shuhada’ Davitt na maaaring sa katotohanan ng mga pinakaaral na pupukaw sa iyo.